Kabanata 24

117 7 0
                                    

Kabanata 24

Hindi pa nga ako nakakabawi sa sinabi niyang ako ang babae sa napanood namin, ako ang babae na nakipaglaban sa kaniya kanina lamang.

At ako ang babaing mukhang demonyita.

Tapos bigla niya akong tatanungin ng ganoon at tinawag pa sa ganoong pangalan?!

Laglag panga kong pinagmasdan ang prinsipe na matalim ang tingin na iginawad sa akin matapos sambitin iyon.

Amelia? Seryoso ba siya?

Puro siya babae ng babae sa akin, 'yon pala hindi niya natandaan ang maganda kong pangalan! Buwisit 'tong lalaking 'to ah.

"Sumagot ka, Amelia."

Nairita na naman ako. Hindi ko gusto ang pangalang itinatawag niya sa akin.

"Hindi ko alam kung ano na naman ang trip mo sa buhay at tinatawag mo ako sa ganiyang pangalan!" Singhal ko. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon sa iritasyon. "Kaya pala hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko, 'yon pala hindi mo natandaan?!"

Nagulat siya sa biglaang sigaw ko pero sandali lang 'yon at bumalik ang matalim niyang tingin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo akong sigawan?"

Tumawa ako, 'yong nakakairita. "Ikaw naman ang dahilan ng lahat kung bakit kita nasisigawan!"

Umikot ang mga mata niya sa isang napakaguwapong paraan, medyo nanlambot ang tuhod ko pero mabilis ko 'yong iwinaglit.

H-Hindi mo ako madadaan sa ganiyan!

"Look, prinsipe-"

"Mahal na Prinsipe." He corrected.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi naman kita mahal kaya prinsipe lang."

Nangunot ang noo niya. "Hindi mo naman kailangang mahalin ako, dahil iyon talaga ang tamang itawag sa isang prinsipe ng kaharian."

Ngumuso ako. Para kasi kaming nasa isang palabas nang banggitin niya 'yong 'hindi mo naman kailangang mahalin ako.'

"Tatawagin kita sa kung anong gusto ko."

Ewan ko pero medyo matapang ang peg ko ngayon. Tapos pag ako nakulong na naman, edi luhod agad.

Luluhod ako para magmakaawa, ano ba.

"Tinawag mo ako sa pangalan ko, matagal ka na sanang patay kung hindi dahil sa kabaitan ko." Biglang sinabi niya.

Ngumiwi naman ako at bahagyang yumukod. "Salamat sa iyong kabaitan, Mahal na Prinsipe.."

Kitang-kita ko ang pag-angat ng isang gilid ng labi niya at tumango-tango sa akin.

Tuwang-tuwa ang hambog na ito oh?

"Hindi mo pa sinasagot ang katanungan ko." Ayan na naman ang matalim niyang tingin nang makaayos ako ng upo.

Tupa talaga. Feeling ko talaga may bipolar disorder 'tong hambog na prinsipe.

"Oh eto na nga diba?" Umayos ako ng tayo at tinitigan siya. "Almerie ang pangalan ko. Sobrang layo sa sinasabi mong Amelia."

Napangiwi pa ako nang lumabas iyon sa bibig ko. Naiimagine ko kasi sa Amelia ay isang babaing matanda. Well, maganda naman ang pangalan na 'yon pero hindi kasi ako sanay.

Almerie na ang pangalan ko noon pa.

Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin at gaya ng dati naramdaman ko na naman ang panlalambot ng mga tuhod ko, parang tanga naman.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now