Kabanata 15

128 6 0
                                    

Kabanata 15

Mabilis akong naghagilap ng maisusuot sa aking lumang cabinet. Kinuha ko ang shorts at tee shirt na aking nakita at dumiretso sa washroom.

Nakita ako ni Jaymin. Ano ang sasabihin ko? Nakakapagtaka nga naman ang suot ko at lalo na ang ipinagbago ng itsura ko.

Mula sa maitim. Teka, medyo lang naman na kulay ng katawan at sa buhaghag kong buhok na hanggang balikat ko lang, sobrang hirap pa nga nitong suklayin eh. Tapos, bigla na lang magiging ganito kakakinis at kaputi ang balat ko? Idagdag mo pa na medyo humaba at naging straight ang buhok ko. Talaga namang nakakapagtaka.

Teka, hindi ba nagbago ang oras dito? Ilang araw na ako sa loob ng libro ah?

Tumingin ako sa salamin nang nakapagbihis na. Nasapo ko ang noo nang makitang ang ganda ko talaga! Paano iyan? Maghihinala talaga sila!

Lalo na ang mahadera kong Tita.

"Nakakainis naman!" Humagilap ako ng pamuyod at itinali 'yon sa buhok ko na hanggang baywang ko na.

Tumingin pa muna ako sa salamin bago lumabas.

Napatalon ako sa gulat nang makita si  Jaymin na nakaupo sa kama ko at nanliliit ang mga mata sa akin.

"Anong ginagawa mo riyan?" Sinikap kong huwag mautal.

Naglakad ako patungo sa bintana at sinabit doon ang tuwalya. Napangiwi pa si Jaymin habang nakatingin sa akin. Bitbit ko ang suot ko kanina saka 'yon hinanger kasama ng mga damit ko.

"Saan ka galing?" Bakas ang paghihinala sa boses ni Jaymin. "Bakit ganoon ang suot mo kanina?"

Nangapa ako ng isasagot. Napatingin ako sa mga poster na nakadikit sa kuwarto ko.

Bahala na!

"A-Ah 'yon ba? Ano kasi...sumali ako sa..cost play? Costume ko 'yon! Hehe." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

Tama ba mga sinabi ko?

"Talaga? Sino ka, kung ganoon?"

"A-Ah..ako si.." napaisip ako ng pangalan sa pinanggalingan ko. "Ako si Chia! Hehe! Hey, I'm Chia!" Saka ako nag pose at nagpacute gamit ang dalawang mga kamay. Tinaas ko 'yon at ginaya ko kung paano ngumiti si Chia sa akin noong magkita kami. Pero syempre hindi ako lumiit.

Napakurap-kurap siya at manghang nakatingin sa akin.

Punyeta! Huwag ka ng maraming tanong!

Binaba ko ang mga kamay at nginitian siya.

"Ah! Galing ah! Hindi ko alam na hilig mo na pala 'yan." Tumayo siya at lumakad palapit sa akin. "Ikaw ba talaga 'yan?" Hinawakan niya ang buhok ko. "Anong ginamit mo? Nagparebond ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumango. "Ah oo! Ang g-galing nga eh! Nagawan nila ng paraan!"

Bahagya siyang lumayo saka pinasadahan ako ng tingin.

"Ang puti mo at ang ganda mo talaga ngayon!" Natutop niya ang bibig. "Hindi naman sa hindi ka maganda noon ah? Pero, iba talaga eh! Parang hindi ka ang pinsan kong dugyutin."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakakainis talaga minsan 'tong si Jaymin eh!

"Pero.." nilibot niya ang tingin sa buong kuwarto ko. "Sobrang kalat pa rin naman ng kuwarto mo. Kaya ikaw pa rin naman 'yan." Ngumiti siya. "O sya, tara na! Luto na raw ang merienda."

Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod siya. Ngunit agad din akong napaayos ng tayo nang bigla siyang humarap sa akin.

"Teka. Maghanda ka na ng mga sagot kay Mama ah? Nako, magtataka 'yon sa ayos mo ngayon." Tiningnan niya pa ulit ako.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now