Kabanata 42

116 3 0
                                    

Kabanata 42

Sa sumunod na mga araw ay ganoon pa rin ang nangyari. Tinotoo nga nila ang sinabi ng Mahal na Hari na huwag akong bibigyan ng makakain o paiinumin. Buti na lamang at maya't maya kung pumunta si Chia rito.

Hindi pa rin gumagaling ang mga sugat ko, natuyo na lamang ang mga dugo sa katawan ko. Hindi ko alam kung nasaan na sila Lola at Adam. Pero sinabi ni Chia na ligtas naman daw sila dahil binawi ng Mahal na Hari ang parusa kay Lola.

Nanghihina kong sinilip ang labas sa maliit na bintana sa itaas. Sobrang liit, buti nga at pumapasok pa rin ang liwanag kaya sa tingin ko ay pahapon na naman.

Tiningnan ko ang palapulsuhan ko at bahagyang inilayo ang malaking posas. Lumalaki na kasi ang sugat ko roon dahil may patusok pa itong posas. Halatang galit na galit sila sa akin ah?

Kapag talaga muling nakumpleto ang kapangyarihan ko ay uunahin ko ang mga kawal! Mga buwisit!

Sinabi sa akin ni Chia na hindi pa buong kumpleto ang kapangyarihan ko, mararamdaman ko raw iyon kapag oras na.

Hindi ko alam pero natatakot ako. Sa oras na maramdaman ko iyon ay sana mapatay agad ako ng prinsipe.

Dahil may isa pang sinabi sa akin si Chia kanina.

"Sa oras na maramdaman mo iyon sa katawan mo, mawawalan ka na ng kontrol, Almerie. At ang nasa isip mo na lang ay patayin lahat ng nabubuhay."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Nangingilid ang mga luha ni Chia.

"Sinabi ito sa akin ni Delailah noong isang gabi. Ganoon makapaminsala ang kapangyarihang taglay mo."

"P-Pati ikaw?"

Tumango siya. "Kahit ang Mahal na Prinsipe. Alam kong may pagtingin ka sa kaniya ngunit kapag nabuo na ang kapangyarihan mo, hindi mo na iyon maiisip. Baka brutal mong patayin ang kamahalan."

Nakaramdam ako ng takot. Hindi na iyon nawala sa isip ko kahit pa kanina pa siyang nakaalis. Hindi ko alam kung ano ba iyong mararamdaman ko para malaman na nagsisimula nang mabuo ang kakayahan ko.

Sana gamitin na lang ulit ni Lola ang mahika niya sa akin para manghina na lang ako.

Magagawa ko bang patayin ang lahat? Ni lamok nga, hindi ko magawa!

Paano ang prinsipe? Hindi ko 'yon kaya!

Inis kong pinukpok sa ulo ang posas pero nasaktan lang ako sa ginawa. Binasa ko ang labi gamit ang dila dahil kanina pa akong nauuhaw!

Gusto ko na lamang umuwi! Sana hindi na lang ako si Amelia.

Pero teka, nasa libro lang naman ako ah? Fictional characters lang sila? Kaya bakit nasali ako?

Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong balikan ang sinabi ni Lolang matangos ang ilong noong isang gabi.

Dahil sa sumpa, marami siyang binuhos na kapangyarihan, humingi pa siya ng tulong sa mga kaluluwa na naging dahilan para mabago ang lugar na ito?

Anong ibig sabihin noon?

Hindi kaya, nasumpa ang lugar na ito? I mean, paano nangyari? Ikinulong ba sila sa libro?

Posible iyon pero parang hindi kapani-paniwala.

Kumirot ang ulo ko nang may kakaibang imahe na nagpakita sa utak ko.

"Saan ang tungo mo, Mahal na Prinsesa?" Isang lalaking binatilyo. May kamukha siya at may kaboses din.

"Maaari ko bang makita ang kamahalan?" Anang isang batang babae. Nakasuot siya ng bestida at may isang sipit sa magkabilang gilid ng buhok. Maganda ang bata.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now