Kabanata 27

110 5 0
                                    

Kabanata 27

Hinding-hindi ako sasama sa kaniya!

Pero dahil dakilang patay-gutom ako, kinain ko rin ang mga salita ko. Grabe ang sarap.

Ngumuso ako habang pinapanood ang prinsipe na pasipol-sipol pa habang naglalakad kami sa madilim na hallway, ito 'yong dinaanan namin noong dalawang ninja turtles noong minsang ikulong nila ako rito.

Nadaanan pa namin 'yong malaking bakal na harang upang makapasok dito sa hallway na ito. Tinarayan ko nga 'yong pangit na nagbabantay doon. Akala niya ha. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pang-aapi nila sa akin.

Tatandaan ko 'yang si Farah. Sa oras na nagsanay ulit kami, hahanapin ko siya at paliliyabin talaga. Makaganti man lang ako!

"Ang mga ikinukulong lang namin dito ay 'yong talagang napatunayan na may mga kasalanan, kaya mapapansin mo na kaunti lamang sila." Nagulat pa ako nang magsalita siya.

Nilingon ko siya at ngiting-ngiti talaga ang hambog na ito. Excited na makita ang ex ha? Teka, naging sila ba? Hmm tanong ko nga.

"Ah talaga?" Pangsasakay ko sa sinabi niya. "Eh kung ganoon ibig sabihin may kasalanan si Selena? Teka, naging kasintahan mo ba siya?" Nakagat ko ang labi nang mailusot ko ang tanong na iyon pero napatigil ako nang maalala na sinagot niya na nga pala ang tanong kong ito.

Hindi nga pala sila naging magkasintahan.

Sandali siyang tumigil sa paglalakad at luminga-linga bago inis na tumingin sa akin. Nabalik naman ako sa wisyo.

"Hinaan mo ang iyong boses baka marinig ka ni Selena." Luminga pa ulit siya.

"Oh ano naman?"

Nangunot ang noo niya at binalik ang mga mata sa akin. "Baka isipin na pinag-uusapan natin ang katauhan niya."

Aaah, concerned naman pala ang potek na ito.

"Bakit? Ano nga ba ang dahilan bakit nakulong siya? Espiya ba siya?" Tumaas ang kilay ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago ako hinila paatras.

"T-Teka! Ang sakit naman ng hawak mo!" Tiningnan ko ang mariin niyang kamay sa braso ko. Medyo maputi na ako kaya bakat na talaga kapag dinidiinan ang hawak sa balat ko.

"Gaya ng sinabi ko sa 'yo noong nakaraan. Tinangka niyang pumasok sa ipinagbabawal na pinto." Iyan na naman siya sa kaniyang mga salita, e hindi ko naman alam ang tinutukoy niya.

Lumapit ako ng bahagya. "Eh ano ba 'yong pinagbabawal na pinto?"

Luminga-linga pa siya at lumapit din sa akin. Halatang ayaw iparinig ah.

"Mahalagang pinto iyon dito. Ang sabi ng Mahal na Hari noong kami ay bata pa, makakamtan daw ang buhay na walang hanggan at makukuha ang pinakamalakas ng kapangyarihan kapag nabuksan ang pintong iyon." Mahinang bulong niya na sa sobrang hina ay kinailangan ko pang ilapit ang tainga ko.

Tinitigan ko siya at ang lapit namin sa isa't isa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Mukhang wala naman siyang napapansin na sinasadya kong ilapit ang mukha syempre dahil wala naman siyang gusto sa akin.

Pero hindi ko inakala na may sakit din palang pagkachismosa itong prinsipe.

"Talaga?" Ito na naman ang sakit ko. "Kung ganoon, bakit ayaw niyong buksan?"

Bigla siyang ngumuso kaya halos manlambot ako. Kainis naman, bakit kasi hindi ko pa inilapit ang pisngi ko edi sana nahalikan niya na ako.

Napatigil ako sa naisip. Grabe parang baliw na baliw na ako sa prinsipe ah.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now