Kabanata 14

141 5 0
                                    

Kabanata 14

"I-Ihi ng kabayo?"

Gulat na gulat na sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong isuka lahat ng ininom ko, punyeta!

Proud siyang tumango at ipinakita pa sa akin 'yon.

"Tama ka." Ngisi niya.

"Buwisit ka! Bakit mo pinainom sa akin?!" Mangiyak-ngiyak kong singhal at tumayo agad.

Tumaas ang kilay niya. "Iyan lamang ang lunas sa maaari mo pang maramdaman dulot ng pag-inom mo ng Jellen."

"Niloloko mo ba ako?! Ihi 'yon ng kabayo!" Lumapit ako sa kaniya. Umatras siya. "Kaya pala hindi mo sinasagot ang tanong ko!"

"Bakit galit na galit ka naman?" Nakangising aniya.

"Paano ako hindi magagalit ah?!" Sigaw ko at nangigigil na talaga.

"Dapat mo pa akong pasalamatan, babae. Ikaw na nga 'tong ginamot."

"Wala akong pakialam! Nakakainis ka!!"

Kumunot ang noo niya. "Kanina mo pa ako sinisigawan."

"Edi wow! Gusto mo hanggang bukas pa!"

"Ang dila mo, babae." Mariing aniya.

"Dila pa rin, punyeta ka!" Binigyan ko pa siya ng pamatay ng irap bago bumalik sa upuan.

Nakakainis talaga. Sarap na sarap pa naman ako. Tapos ihi pala 'yon ng kabayo? Talaga? Uminom ako noon? Huhuhu, hindi ko matanggap.

"Akala ko ba masarap?" Lumapit siya sa akin habang natatawa. Gusto ko sanang matigilan at titigan siya dahil ngayon lang siya tumawa pero galit ako ngayon.

Wala na sa mga kamay niya ang bote at hindi ko alam kung nasaan.

Hindi ko siya pinansin at napahawak na lamang sa tiyan. Gusto kong isuka lahat 'yon! Huhuhu.

Namasa ang mga mata ko dahil sa inis na nararamdaman. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil ang OA ko naman yata. Nakakainis kasi ang buwist na 'to!

Natigilan siya at huminga ng malalim.

"Dito ka muna. Pupuntahan kita rito pagkatapos ng limang minuto." Aniya habang nakatingin pa rin sa akin.

Hindi ako nagsalita. Naiinis ako sa kaniya. Nakakailan na siya sa akin ah.

Bumuntong hininga siya saka tumalikod na. Mabilis kong inangat ang mga mata ko at binigyan ng irap ang kaniyang likuran. Lumabas na siya ng pinto.

Napahinga ako ng malalim at pinunasan ang mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko at nawala na ang sakit noon. Ayos na rin ang pakiramdam ko. Nawala na 'yong parang umiikot ang paningin ko at pati ang pagkasinok ko.

Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad. Sinilip ko ang labas sa bintana. Maaga pa pala. Nasa tanghali na kaya? Ilang oras ba kami sa mahiwagang hardin? Bakit hindi man lang umiinit ng husto rito? Kung nasa mundo ako namin, tiyak na alas otso pa lamang ay tirik na tirik na ang araw pwera kung may bagyo.

Napatitig ako sa kalangitan na asul na asul. Napangiti ako nang mapansin ang mga ibon na lumilipad. Ang dami nila at parang nag-uusap-usap.

Imposible naman na makapagsalita sila diba?

Napaisip tuloy ako. Paano ako makakabalik sa amin? Makakabalik pa kaya ako? Paano kung may makakita noong libro at basahin din, makakapunta rin siya rito?

Hay, naguguluhan ako.

Eh kung banggitin ko kaya 'yong kabanata isa? Baka sakaling makabalik ako?

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now