Kabanata 22

113 5 0
                                    

Kabanata 22

Paulit-ulit akong tumingin kay Harris pabalik kay Leuterio pabalik ulit sa prinsipe.

"Seryoso ka ba?!" Bulalas ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan talaga. "Wala nga sabi akong kapangyarihan! Paano mo ako sasanayin ha?"

Dinig ko ang pagsinghap ng apat na nanonood sa amin. Napatingin ang prinsipe sa mga iyon bago bumuntong hininga at tumingin sa akin.

"Wala kang karapatan na sigawan ako ng ganiyan, babae." Tumalim ang tingin niya sa akin.

Natahimik ang apat at agad yumuko. Hindi naman ako nagpatinag at itinaas pa ang noo.

"Kung wala kang kapangyarihan, kung ganoon, paano mo nagawa ang ginawa mo kanina? Ako ba ay pinaglololoko mo?"

Natahimik tuloy ako. Halata na kasi ang inis niya nang itanong iyon. Ang kulit naman kasi! Paano ko ba sasabihin na wala nga akong kapangyarihan.

"Har-" nakagat ko ang dila. Pota! Muntikan ko nang mabanggit ang pangalan niya. Tumaas ang isang kilay niya nang napatigil ako.

I cleared my throat. "Mahal na prinsipe, ipagpaumanhin ninyo, ngunit wala talaga akong kakayahan. Ni hindi ko alam kung paano iyon nangyari." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil hindi ako nautal kahit sobrang dilim ng tingin sa akin ng pangit na prinsipe.

Hinawakan ko ang ilong dahil baka duguin iyon sa makata kong sinabi. Syempre kailangan nating makibagay sa kanilang salita.

"Kung ganoon.." napatingin ang apat sa kaniya. Tinitigan niya ako at nakaramdam ako ng inis nang mabasa sa mukha niya ang pang-aasar. "Subukan nating alamin kung paano iyon nangyari."

"Anong ibig mong sabihin?"

Iniwas niya na ang tingin sa akin at ibinaling iyon kina Leuterio at Chuwie. "Leuterio."

"Mahal na prinsipe." Tugon nito.

"Pagharapin si Honey at ang babaeng ito." Maawtoridad na sambit niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at agad napalingon kay Honey na bahagyang nakayuko sa prinsipe.

S-Siya 'yong may kutsilyo diba?!

Tumango si Leuterio sa prinsipe at tumingin kay Honey bago tumango. Humarap si Leuterio kung nasaan ang tahimik na parang at nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod at pawang tinulak ang damuhan na kasalukuyan naming inaapakan.

Halos masamid ako nang nag iba ang buong paligid. Naging pawang gubat ngayon ang harapan namin. Tinitigan ko iyon kung hanggang saan ang mga malalaking puno ngunit napaiwas agad ako nang wala man lang akong makita. Sobrang dilim sa loob! Tila walang katapusan ang gubat na iyon, nakakatakot.

Nilingon ko ang likuran namin at wala na kami sa mahiwagang hardin! I mean, wala ng tao sa likod o kahit sa buong paligid. Kami na lamang ang narito sa nakakatakot na gubat.

Humarap si Leuterio sa amin. "May pulang telang nakasabit sa isa sa mga puno sa loob niyan. Papasok kayo sa gubat at paunahan kayong dalawa kung sino ang makakahanap noon pabalik dito. Ibibigay niyo iyon sa mahal na prinsipe." Buo ang boses na sambit nito. Parang siya 'yong mga terror prof sa isang university. Nakakatakot ang tingin niya pag nagseseryoso. "Maaari niyong gamitin ang kakayahan niyo para malamangan ang isa't isa. May iba't ibang hayop din sa loob ng gubat na iyan kaya mag ingat kayo."

Napalunok ako nang mapadako ang seryoso niyang tingin sa akin. Teka, sa akin niya ba sinasabi?

"Handa na ba kayong dalawa?" Nakumpirma ko iyon nang hindi man lang niya inalis ang tingin sa akin.

"T-Teka lang." Lumingon ako at hinanap ang buwisit na prinsipe.

Nagulat pa ako nang makitang malayo na siya sa amin at prenteng nakaupo pa habang may kung anong pagkain at inumin sa tabi niya. Naroon din si Chuwie na nakatayo ng tuwid sa tabi niya.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now