Kabanata 5

175 9 0
                                    


"Mauna ka." Sambit ko kay Lucia.

"Ayoko nga! Bakit ako?" Reklamo niya at mabilis akong tinulak.

Nandito kasi kami sa harapan ng office ni Sir Labsuck. Diba sabi niya, pumunta raw kami dito? Kaya ayan! Kanina pa kami rito pero hindi pa kami pumapasok.

"Ikaw na." Hinila ko si Lucia paharap sa pintuan.

"Hala! Ayoko nga! Ikaw naman ang may kasalanan e, nadamay lang ako!" Pagmamaktol niya pa.

Daming sinasabi ng bruhang 'to!

Inirapan ko na lang siya at mabilis na hinawi. Buong tapang kong pinihit ang pintuan at pumasok.

"Ser?" Tawag ko nang makita ko siyang nakatingin sa'kin.

"Buti naman at naisipan niyo nang pumasok." Taas kilay niyang sambit.

Alam niya?

Tiningnan ko ulit siya at nakataas ang kilay niya habang matiim na nakatitig sa'kin. Napamaang naman ako.

Guwapo si Ser. Medyo bata pa kasi. Siguro mga nasa 25 lang siya ganoon. Basta ang pogi niya! Kaya minsan pag hindi ako abala sa pagbabasa ay abala naman ako sa pagtitig sa kanya! Ang hot niya lang! Grabiti!

"Ms. Junggo? Are you even listening to me?"

Nabalik ako sa katauhan ko nang marinig ang tanong ni Ser. Hala, galit na naman siya!

"Ser?" Tawag ko.

Kumunot ang noo niya. "Lutang ka na naman! Papasukin mo si Ms. Javier!" Bulyaw niya sa'kin.

Grabe namang guro 'to! Makasigaw wagas eh! Na turn off tuloy ako! Huhuhu.

"Lucia! Pasooooook!" Sigaw ko mula sa loob.

Sinamaan ako ng tingin ni Ser. Ano na naman?

"Sinabi ko ba sa'yong sumigaw ka? Ang sabi ko papasukin mo lang!" Galit na naman?

"S-Sir?" Nabaling ang atensyon ni Ser Labsuck kay Lucia na nanginginig habang palapit sa amin.

"Bilisan mo ang kilos, Ms. Javier!" Mabilis naman na lumakad si Lucia palapit sa amin dala ng pagkagulat.

Shems! Nagmukha tuloy siyang zombie'ng nagulat! HAHAHAH eltea.

"Yes, S-Sir?" Aniya nang makalapit sa amin.

"Umupo kayong dalawa."

Umupo naman kami. Magkaharap kami ni Lucia habang nasa unahan namin ang lamesa ni Ser at doon nakatuon ang kanyang mga siko.

"Ms. Junggo, tigilan mo ang pagbabasa ng mga librong ' walang kinalaman sa ating lesson' nadidistract ako sa'yo." Diniinan niya talaga ang pagkakasabi nang walang kinalaman. K fine.

"Bakit naman po kayo nadidistract sa kaniya?" Singit ni Lucia.

Binalingan siya ni Ser. "Dahil hindi siya nakikinig sa klase ko!"

Kailangan galit, Ser?

"E, nakikinig naman po ako..e bakit andito ako?" Tanong ulit ni Lucia.

"Marumi ang utak mo, kailangang linisin!"

Isama niyo na ang bunganga, Ser!

"Paano niyo po lilinisin ang utak ko? Hmm, nalilinis ba 'yon?" Takang tanong ni Lucia.

Napangiwi naman si Ser at inis na hinilot ang noo, ilang minuto siyang ganoon bago tumingin ulit sa amin.

"Sige na, lumabas na kayo." Tila nauubusan ng pasensyang saad niya.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon