Kabanata 3

184 7 0
                                    


Ayuuuun! As usual pag uwi ko. Tameme ang lola niyo. Paano ba naman naluto na lang ang isda ng walang ginagamit na mantika. Ang tagal ko pa kasing nakauwi. Hihihi.

Napandale ng mura ang anak ng Inay!

Punyeta! Sumakit ang tainga ko roon. Hilahin ba naman? Sinong hindi aaray! Sige nga! Iharap sa'kin?

Napatingin ako sa may pintuan nang makitang bumukas iyon. Iniluwa nito ang pinsan kong ubod ng ganda, 'di tulad ko. Pero ayos lang.

"May kailangan ka?" Tanong ko.

Bahagya siyang umupo para itabi ang mga kalat na nakahara sa kanyang dadaanan. " Ang kalat ng kuwarto mo, Alme." Ngiwi niya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko saka tumayo. Hinawi ko na rin ang mga kalat.

Mga damit ko lang naman 'yan. Naiiyamot kasi ako pag naghahanap ng damit. Bago ko pa mahanap, sabog sabog na-- Kaya ayan! Ikinalat ko na. Kasama rin ng damit ang mga libro ko. Mahilig kasi akong magbasa. Sa sobrang hilig ko nga, napapaniginipan ko na ang iba. Kahit anong libro basta naiintindihan ko. Syempre, favorite ko ang fantasy!

Hehe, feeling ko kasi prinsesa ako! Wala eh, feelingera ako! Ba't ba?

"Masama bang pumunta rito?" Tanong niya nang makaupo sa aking kama. Naubo pa sya dahil sa alikabok pagkaupo niya.

Dambahan ba naman?

"Hindi naman. Alam mo namang ang kalat nitong kuwarto ko."

"Ayos lang. Konting linis lang dito eh." Nilibot niya ang tingin sa kuwarto ko.

"Ano ngang sadya mo?" Tanong ko ulit.

"Ah oo nga pala. Puwede bang sabay tayo bukas?" Kumunot ang noo ko. Agad s'yang nagpacute.

"Sasabay ka sa'kin? " Tanong ko habang nakaturo sa sarili. "Sure ka?"

Hinampas niya ako. "Oo naman! Anong masama?"

"Wala lang. Baka mabully ka." Nag aalalang sabi ko.

"Hayaan mo sila. Eh, 'di bubullyhin ko rin sila." Tumawa sya.

Akala mo ganoon lang kadali! Hays.

" 'Di bagay sa'yo! Masyado kang maganda para sumabay sa'kin."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano ba! Nakakainis ka. Maganda ka 'no! 'Di ka lang nag aayos. At saka magpinsan tayo, kaya maganda tayo pareho." Napaismid ako.

Gasgas na 'yang linyang 'yan!

"Sige na. Sabay na tayo." napipilitang untag ko.

Agad siyang napatayo. "Talaga? Waaah! Hahaha! Yes!!"

OA ng putcha.

"Sige na. "

Sumimangot siya. "Sige na nga. Good night na. Agahan mo bukas ah? Bye, Alme!" ngumiti siya sa'kin at humalik sa pisngi ko.

Kumaway na lang ako at ngumiti.

Sobrang bait niya talaga sa'kin. Mukhang hindi talaga kami magpinsan. Masama ang ugali ko e.

Inisip ko naman ang buong pamilya nila.

Napakaswerte ko talaga sa kanila. Nagpapasalamat ako at napunta ako sa kanila kahit na ganiyan si Tita. Ayos lang 'yon.

Tumungo ako sa washroom at naligo. Mabilis din naman akong natapos. Inayos ko ang aking higaan habang nagpupunas ng basa kong buhok.

Sandali akong natigilan nang may maalala. Sinilip ko ang librong itinago ko sa drawer. Dahan dahan akong lumapit dito at binuksan.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now