Kabanata 34

114 5 0
                                    

Kabanata 34

Dahan-dahan kong nabitawan ang leeg niya at nanatiling nakatingin sa kaniya. Unti-unting nawala ang mainit na pakiramdam sa katawan ko kaya hindi agad ako nakagalaw sa labis na panghihina.

Halos hindi ko na maibalanse ang sarili. Tila hinigop ang lakas ko.

Tumingin sa akin ang prinsipe at mahigpit na hinawakan ang baywang ko saka marahan siyang tumayo at inangkin ang buong timbang ko. Kahit nagulat ako sa ginawa niya ay hindi na ako nakapagreact.

"Mahal na Prinsipe, ako na po ang bahala sa kaniya." Rinig kong sinabi ni Chuwie pero hindi na ako makalingon sa kaniya.

"Huwag na, Chuwie. Asikasuhin mo na lang sina Sprite at Honey, marami ang sugat nilang dalawa, lalo na si Sprite." Sambit ng prinsipe.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit niyang kamay na humawak sa pang-upo ko at ang kabila naman ay nasa may likuran ko.

Tumambol ang dibdib ko nang maramdaman ang mainit niyang katawan. Ang pagbuhat niya kasi sa akin ay hindi gaya ng pagbuhat ni Adam. Nakaharap ako sa kaniya habang nakaangkla ang mga binti sa baywang niya at nakadikit ang ulo sa may dibdib niya kaya medyo awkward talaga.

Nakapatong kasi ako sa ibabaw niya kanina at basta niya na lang akong hinawakan sa baywang saka siya bumangon kaya magiging ganoon talaga ang puwesto ko.

"Komportable ka ba sa puwesto mo? O nais mong ibahin ko ang pagbuhat sa iyo?" Malambing niyang tanong sa akin.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kaniya at sobrang lapit namin sa isa't isa. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa gilid nang may nagsinghapan doon. Sabay na umiwas ng tingin sina Chuwie at Leuterio. Si Sprite naman ay nakangisi sa akin pero nagulat ako nang makitang ang dami niyang sugat at halos maligo na siya sa dugo. Si Honey naman ay walang emosyong nakatingin sa gilid.

"Babae, tinatanong kita."

Bumalik ang mga mata ko sa kaniya at ngumiso. "W-Wag na."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ng prinsipe bago inayos ang puwesto ko kaya mahigpit akong napakapit sa mga balikat niya.

"Kumapit ka sa akin." Bulong niya kaya tumango ako.

Bahagya kong inilapit ang ulo sa may leeg niya at parang tangang inamoy iyon. Nakagat ko ang dila nang maamoy ang natural niyang bango na hinaluhan ng pawis. Hindi na ako nakikinig sa mga inuutos niya kina Leuterio at Chuwie dahil busy na ako sa kaaamoy sa kaniya.

"Maaari mo naman akong amuyin mamaya sa iyong silid." Maya-maya'y bulong niya kaya inilag ko ang mukha sa leeg niya.

Tumawa ang prinsipe nang silipin ang mukha ko. Ngayon ko lang napansin na naglalakad na pala kami patungo sa palasyo. Inakyat muli ng prinsipe ang mahabang hagdanan bago makapasok sa malaking pintuan ng palasyo. Nanatili akong nakasusob sa dibdib niya at nagkunwaring sobrang nanghihina.

"M-Mahal na prinsipe.."

May tumawag noon kaya dahan-dahan kong iniangat ang tingin at gusto ko na lang bumaba sa sahig at yumukod doon nang makitang ang Mahal na Reyna kasama ang Mahal na prinsesa ang nasa harapan namin ngayon!

Bahagya ko pang inayos ang nakausli kong puwet at tiningnan ang prinsipe na kunot-noong nakatingin sa akin.

"Bakit mo buhat ang iyong tagapagsilbi?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o may kalakip na inis ang pagbanggit ng Mahal na Reyna roon.

Tumingin ang prinsipe rito. "Ako po ang nagsanay sa kaniya at nagdala roon kaya ako rin ang magbabalik sa kaniya rito."

Nakagat ko naman ang dila. Para kasing nagmamahalan kami kung magsalita siya ng ganoon sa kaniyang ina.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now