Kabanata 26

111 6 0
                                    

Kabanata 26

Mariin ko siyang tinitigan. 'Yong tipong mararamdaman niya kung gaano ako kainis sa kaniya ngayon.

Hinila niya ang mga kilay palapit sa isa't isa upang maging kunot ang mga iyon at magmukhang galit.

Aba at mukhang inis din ang pangit na ito.

"Sumagot ka, babae. May nararamdaman ka ba kay Selena?" Inulit pa talaga niya.

Bumuntong hininga ako. Malakas na buntong hininga. Napalayo pa nga siya ng bahagya.

May nararamdaman ako sa Selena mo. Galit. Sakit. Pain. Pighati. Inis. Pagkamuhi. Hinagpis. Pasakit. Tupangina mo, Harris.

Huhuhu. Kumalma ka, Almerie. Sige ka, baka lumabas ang kapangyarihan mo at maging demonyita ka na naman.

Ngumuso ako at muli siyang inis na tiningnan. "Kung may pagtingin ako sa Selena mo edi sana pinakawalan ko na siya noon pa."

Kumurap-kurap siya at inilagay ang dalawang kamay sa likuran saka tumingin kung saan ako galing kanina.

"Sino muna ang iyong kinausap sa loob ng gubat na iyon?"

Nalaglag ang panga ko. Hindi pa ba siya tapos sa usaping iyan?

"Ano naman iyon sa iyo?" Singhal ko at nilagpasan na siya. Rinig ko pa ang inis niyang pagbuga ng hangin kaya nilingon kong muli siya. "Ano?!"

"Wala."

Ngumisi ako at tumalikod na. "Sumunod ka, prinsipe."

Natawa ako nang walang reklamo nga siyang sumunod sa akin. Ganiyan nga, Harris. Sa susunod, ako naman ang susundin mo. Mwahahaha!

Teka, bakit tinotoo ko na ang pagiging demonyita ko?

"Sino nga kasi ang kinausap mo ng ganoong katagal?"

Kanina pa ako naririndi sa kaniya. Magkatabi na kami ngayon at naglalakad na palabas ng mahiwagang hardin. Sandali lang naming pinanood ang mga nagsasanay at nagpasya na agad ang prinsipe na bumalik na sa palasyo, may importante raw siyang gagawin.

"Bakit ba kasi nagtatanong ka?" Nangunot ang noo ko. "Kinausap ko lang 'yong mga halaman doon."

"Walang halaman doon, babae."

"Edi 'yong mga puno."

Hindi siya nagsalita kaya pasimple ko siyang nilingon. Natawa ako nang makitang kunot na kunot ang noo niya.

Ayoko kasing sabihin sa kaniya na nakakausap ko si Adam. Baka mas lalo siyang maghinala sa akin na espiya ako ng kabilang kaharian kahit na hindi ko naman alam kung paano ko nauunawaan ang mga hayop dito.

Hindi siya nagsalita pa kaya tumahimik na rin ako. Paakyat na kami sa hagdan nang bigla siyang umiba ng daan.

Lumingon muna siya sa akin bago nagpatuloy. "Umakyat ka na sa silid mo. Tatawagin na lang kita mamaya."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Ano naman iyon sa 'yo?"

Nagulat ako sa isinagot niya. "Ha?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Ang sabi ko, ano naman sa iyo kung saan ako pupunta?" Napamaang pa ako nang umikot pa ang mga mata niya. "Umakyat ka na sa silid mo at magpahinga."

Pinanood ko siyang tumalikod sa akin. Sinenyasan niya ang dalawang ninja turtles na si Ringo at Farah palapit sa akin upang igiya ako sa aking silid.

"Halika na sa silid mo." Malalim at malaki ang boses na sinabi ni Ringo.

Kilala ko siya dahil may kung ano siyang bandana sa kaniyang ulo. Si Farah naman ay wala pero medyo mahaba ang buhok niya.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat