Kabanata 25

117 2 0
                                    

Kabanata 25

Matapos ang pamatay na linyahan ng prinsipe ay lumayo na siya sa akin at tinuro ang mga puno sa gubat na pinasukan namin ni Honey.

Speaking of Honey, nakasalubong ko sila ni Sprite kanina at ang lalaki lamang ang ngumiti sa akin. Ni hindi ako pinansin ng katabi niya.

Nadurog ko yata ang pride niya dahil ako ang nakatalo sa mabangis na hayop na 'yon.

Mahigit isang linggo na yata ako rito mula nang makapasok ulit ako sa libro at ngayon na nga napagdesisyunan ng prinsipe na sanayin ako sa paggamit ng kapangyarihan ganoon na rin sa iba pang mga armas.

"Simulan mo na ang pag-akyat!" Muling sigaw niya kaya naman kahit mabigat sa loob ko ang ipinagagawa niya, sumunod pa rin ako.

Medyo gumaan ang puso ko sa sinabi niya kanina e. Hehe.

Playboy ang prinsipe na 'yan, Almerie.

Ngumuso ako sa pang-b-brainwash ng utak ko.

Mabilis akong nakapasok sa gubat, hindi na ako nakaramdam ng takot hindi gaya noong una dahil alam ko naman na may kapangyarihan ako. Pero medyo nababahala ako na gamitin dahil sa sinabi ng prinsipe sa akin na maaaring maubos ang lakas ko kapag nasobrahan ang paggamit ko rito.

Madilim sa loob pero nakikita ko pa naman ang dinadaanan ko.

"Subukan mong tumalon-talon sa mga puno, babae."

Mariin kong naipikit ang mga mata nang marinig siya sa utak ko. Ito ba 'yong ginagawa nila Chia?

Ang astig dahil naririnig ko talaga siya.

Ngumiwi ako nang makita ang mga punong tinutukoy niya. Sobrang tataas ng mga iyon at sigurado akong masakit sa paa kapag umakyat ako.

"Sigurado ba siya rito?" Tanong ko sa sarili. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya.

Sinubukan kong umakyat, hindi pa man ako nakakausad nang magkamali ako ng apak at lumagapak ako sa tuyong mga dahon.

"Aray! Ayoko na!" Hinawakan ko ang likuran.

Bakit noong si Honey ang patalon-talon dito ay parang kay dali lamang?

Sinubukan ko ulit at ganoon pa rin ang nangyari. Ramdam ko na ang pawis ko sa noo at sa likod pero tinuloy ko ulit. Natatakot kasi ako sa sinabi ng hambog na prinsipe na maaari akong mamatay kapag wala akong alam sa pakikipaglaban.

Edi wow, hindi niya na lang diretsuhin na lampa pa rin ako kahit may kapangyarihan.

"Bilisan mo at marami ka pang gagawin."

Dinig ko na namang sambit niya sa utak ko. Inalog-alog ko ang ulo. Paano ko ba siya kakausapin? Dapat marunong din ako niyan.

Inis kong pinagmasdan ang nag iisang punong hindi ko maakyat. Tinitigan ko iyon ng mariin at nagfocus sa kung paano ako makakaakyat dito ng hindi nasusugatan.

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng katawan ko. Namilog ang mga mata ko nang maisip na baka maging demonyita na naman ako! Ang pangit ko pa naman!

Ipinilig ko ang ulo at sinimulan nang akyatin ang malaking puno na himala at naakyat ko nang walang kahirap-hirap. Gulat akong napatingin sa baba kung saan nagkalat ang mga tuyong dahon.

"Wow! Ang galing ko naman!" Nakipag apir ako sa sarili.

Tumingin ako sa mga puno at ngumisi. Humugot ako ng malalim na hininga bago sinimulan ang tumalon-talon sa mga malalaking sanga ng mga punong nadadaanan ko.

Tumawa ako habang sinasalubong ang mga hangin. Potek! Para akong si Tarzan!

Itinaas ko ang kamay at pinakawalan ang bolang apoy doon kaya natupok ng apoy ang isang sangang bulok na. Ngumiti ako at nagtatalon-talon pa.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now