Kabanata 16

116 5 0
                                    

Kabanata 16

Huminga ako ng malalim at hinawakan nang mahigpit ang strap ng bag ko. Tiningnan ko ang gate ng school namin at hindi ko maintindihan kung bakit parang bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba.

Baka magtaka sila dahil naging ganito ang mukha ko sa maikling panahon. Hindi kasi nagbago ang oras dito samantalang ilang araw na ako sa kaharian nila Harris.

Si Harris..

Alam niya kaya na nakabalik na ako? O tumigil rin ang oras doon? Kumusta kaya siya?

Teka..

Pakialam ko naman sa buwisit na prinsipeng 'yon!

Pero, ang ipinagtataka ko pa rin ay paano ako nakabalik? Ano ang ginawa ko? May nagawa ba ako kaya nakabalik ako rito?

Si Lolang matangos ang ilong lang ang tanging makakasagot ng mga katanungan ko. Kailangan ko siyang mahanap.

"Hala, ang ganda."

Bahagya akong napatalon at napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang niyakap.

"Lucia!!!" Tawag ko ngunit hindi siya gumalaw man lang. "Lucia huhu!"  Namiss ko siya!

Naalala ko tuloy si Lucy na medyo kahawig niya.

"Hala! Teka! Bakit kilala mo ako?!" Pinilit niyang alisin ang mga braso ko. "Aray ko! Ano bang meron sa'yo? Teka, miss!"

Nangunot ang noo ko at kusa nang inalis ang pagkakayakap sa kaniya.

"Lucia.." I called her.

Nangunot ang noo niya at sinilip pa ang mukha ko.

"Kilala mo ako?" Tinuro niya ang sarili.

Napakurap-kurap ako. Alanganin akong ngumiti at tumango.

"Oo naman. "

"Ay nako. Kung may ganiyan ako kagandang kakilala, malamang pinagkaguluhan ka na nila Hannah." Natawa ako kaya ngumuso siya at tinitigan ako. "Pero kahawig mo 'yong kaibigan ko."

Natawa ako at pabirong hinatak ang buhok niya. "Lucia! Ako 'to! Si Almerie!"

"Luh. Naka drugs ka, teh?" Hinawakan niya ang buhok ko. "Daig mo pa si Kim Chiu sa ganda ng buhok oh. Hindi ganiyan iyong kaibigan ko." Sunod niyang hinaplos ang mukha ko. "Hala! Ang kinis mo!"

Tinampal ko ang kamay niya at inirapan siya. "Hindi ka naniniwala? Ako nga 'to, baliw." Inayos ko ang bag.

Napatingin siya roon at nanlaki ang mga mata. Sunod niyang tiningnan ang uniform ko na gusot-gusot at naninilaw pa.

Maniniwala na 'to.

"Hindi.." napailing siya at may kinuha sa bulsa ng palda. Nakatingin siya sa akin habang may pinipindot. "Sagutin mo, Almerie.." bulong niya.

Nakagat ko ang labi nang magring ang cellphone kong de keypad. Nanlaki ang mga mata niya habang pinapanood akong kunin 'yon sa bulsa at itapat sa tainga.

"Oh Lucia? Napatawag ka? Inabangan ka na naman ba ulit nila Hannah?" Nakangising ani ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hala!!" Gulat niya akong hinawakan sa magkabilang braso. "Ang ganda mo! Anong nangyari? Bakit ang puti mo?"

Bahagya pa akong napaatras nang maamoy ang kahindik-hindik na kaniyang bunganga.

"Grabe, hindi mo talaga ako nakilala ah?"

"Ang ganda mo kasi!" Pinisil niya ang pisngi ko. "Tae! tunay ka ba?"

Natawa ako at inalis ang kamay niya."Halika na sa loob! Dami mong eksena."

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon