Kabanata 4

172 8 0
                                    

Nagmadali kami sa paglalakad dahil sa text sa'kin ni Lucia. Hila hila ko si Jaymin habang natakbo papunta sa gate.

"Teka naman, Alme!" Reklamo niya.

"Bilisan mo na lang!" Sigaw ko at hinila ulit siya.

Hindi pa man kami nakakalapit sa may gate nang marinig ko ang boses ni Lucia at ang mga taong tumpukan na akala mo naman may sabong na nagaganap.

"Oh, anong ginagawa niyo rito?" Boses ni Lucia.

"Shit! Tara na!" Hinila ko ulit si Jaymin papunta kung nasaan si Lucia.

"Hahaha, mukhang mag isa ka lang ah?" Bumungad sa'kin sina Hannah at ang dalawang clown niya, kasama ang magaling kong ex na mukha namang paa na si Lance.

Ngumiwi si Lucia. "Mukha ba akong naging tatlo?"

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Kitang kita ko naman ang pag irap nina Hannah.

Ayos 'yan, Lucia! Nays wan!

"Ang bobo kausap!" Singhal ni Clown 1.

"Psh! Kayo ang bobo kausap! Tatanungin niyo 'ko kung mag isa lang ba ako? Siyempre, ako lang naman mag isa rito e! Naduling na ba kayo?" Bulyaw niya sa mga ito.

Pinanood kong umatras ang mga taong nakikiusyoso sa kanila. Sabay sabay silang nagtakip ng mga ilong. Napailing ako at tumawa ng malakas. Nabaling ang atensyon nila sa'kin.

"Almerie!!!! " Yumakap agad sa'kin si Lucia nang makita ako. "Huhuhu, inaaway nila ako." Sumbong niya.

"Edi awayin din natin." Ngisi ko.

Tumango naman siya at humarap sa kanila. Lumapit ako kina Hannah at naiwan naman sa isang tabi ang pinsan kong natulala na yata.

"Opps! Nandito na pala ang kaibigan niyang basura!" Malakas na bulong ni Hannah sa kanyang mga clown.

Akala ko ba bulong? Bakit rinig namin?

Lumapit ako sa kanila at inamoy sila isa isa. Nagtaka sila at inis akong tinulak.

"Ano ba? What the hell are you doing?!" Singhal ni Hannah.

Napangiwi ako at lumingon kay Lucia. "Hala, nagsasalita ang mga basura!" Natatakot na sambit ko.

"Anong sabi mo?" Epal ni Lance at lumapit pa sa'kin.

"Halaaaa! Nagtatanong ang basura oh?" Sambit ko na naman.

"Halaaaa! Oo nga!" Malakas na panggagatong sa'kin ni Lucia. Bahagya akong lumayo dahil sa amoy ng bibig niya.

Jusme! Kailan kaya mawawala 'yang amoy sa bibig niya?

"Tsk! Tumigil nga kayong dalawa!" Saway ni Lance.

"At bakit?"

Nilingon niya ako at tinitigan ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "Kailan ka kaya gaganda, Almerie?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha. Maganda naman ako ah.

"Mula noon hanggang ngayon walang nagbago sa'yo. Hay, akala ko pa naman pag nagbreak tayo, lalabas na ang ganda mo. Wala pa rin pala." Naaawa kunong sambit niya.

Ano bang pakialam niya sa ganda ko? Hindi naman lahat por que, nasaktan ay biglang magg-glow up!

Kung ganoon lang pala, sana nagpabugbog na lang ako sa may kanto.

Nagtawanan ang mga kasama niya. Nainis ako sa lakas ng tawa ni Hannah.

"Ano bang problema mo sa'kin?" Buong tapang kong tanong.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon