Kabanata 45

167 4 0
                                    

Kabanata 45

THIRD PERSON'S POV.

Bakas ang takot sa mga mata ng lahat nang napanood nila kung paano lumutang sa ere ang babaing si Amelia. Sabay ng pagkulog ng malakas ay ang nakakasilaw na liwanag na nagmula sa bilog na bilog na buwan sabayan pa ng umiilaw niyang kwintas.

"Anong nangyayari sa kaniya?" Tanong ng Mahal na Hari na si Horan habang hinahanda ang espada niya na wala namang binatbat kay Amelia.

Walang sumagot sa kaniya o kahit nagsalita man lang. Tutok ang lahat sa nangyayari sa dalaga.

Pumikit ito ng mariin at tila may sakit na umaatake sa kaniya hanggang sa biglaan itong sumigaw ng malakas. Napanood nila kung paano bumulusok ang pulang liwanag papunta sa kaniyang katawan at pumasok.

Napaatras ang mga taong nakapalibot sa kaniya nang dahan-dahang gumalaw ang katawan ng dalaga habang nakapikit pa rin at ang tanging pulang liwanag lamang ang nagpapagalaw sa kaniya. Tumapat siya sa mahiwagang pinto at nagulat ang lahat nang maayos siyang nakatayo habang nakalutang.

"A-Anong klasing tao siya?" Nanginig ang bibig ni Horan habang nakatingin sa dalaga.

Halos tumakbo sila Selena nang biglang humaba ang mga kuko ni Amelia ganoon na rin ang mahaba nitong buhok na mas pinahaba pa. Nag-iba ang kasuotan nito at wala na rin ang mga galos niya sa katawan.

Tila isinilang ulit siya sa ibang katauhan.

Napakapit ng mahigpit si Delailah nang biglang humangin ng malakas na parang handang lumuhod kahit ang mga malalaking puno sa dalaga.

"Kumpleto na ang kapangyarihan niya!!" Sigaw ni Delailah habang takot na nakatingin kay Amelia.

Kumurba ang isang nakakahilakbot na ngisi sa kaniyang mga labi at dahan-dahang iminulat ang mga mata.

Sabay-sabay na napaatras ang lahat dahil lang isang galaw na iyon. Tinitigan ni Amelia ang mga ito na parang isa silang basura na kailangan niyang iligpit. Kahit ang kaniyang sariling ina ay hindi niya pinalagpas.

"A-Anak.." wika ng Mahal na Reyna. Halos nakaluhod na ito sa magaspang na lupa dahil sa labis na nangyari kanina.

Tumingin si Amelia rito ngunit wala man lang nagbago sa kaniyang mukha. Blangko at malamig. Iyon ang nababanaag ng lahat.

Palihim na tumingin si Horan Parker sa babaing nalumpasay sa lupa. Isang senyas niya lamang sa mga kawal ay nakuha na nito ang ibig niyang sabihin. Tumungo ang dalawang kawal kay Alicia Kris at tinulungan itong tumayo.

"Amelia, hindi mo kami kalaban." Sambit ni Delailah.

Sa kaniya nabaling ang mga mata ng dalaga. Napaatras ang matanda kaya ngumisi ito.

"Wala pa nga akong ginagawa, bakit parang takot na takot na kayo?" Kumapal ang boses niya na pawang nanggaling sa isang may edad ng babae. "Nasaan ang Mahal na Prinsipe?"

Napansin niya ang isang babae na umaatras na palayo sa kanila. Tumaas ang kilay niya at napangisi. Itinaas niya ang kamay at sa isang iglap ay hawak niya na ang babaing si Selena.

Napasinghap ang lahat at halos magtakbuhan na sa pagkabigla. Inakay ni Delailah si Tanya na may tama sa likuran. Nawala na rin ang mga kaluluwa sa paligid.

"B-Bitawan mo ako!" Takot na sigaw nito habang kinakawag-kawag ang mga paa. Nakalutang ang babae habang sakal ni Amelia ang leeg niya.

"Sa iyo nanggaling ang palasong tumama sa dibdib ko." Malamig na sinabi ni Amelia habang madilim na nakatitig sa kaniya.

Hindi nakapagsalita si Selena. Naluluha na ito ngunit nakuha pa ring magpumiglas.

"Isa kang halimaw! Bitawan mo ako!"

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now