Kabanata 12

159 6 0
                                    

Kabanata 12

Mabilis akong lumuhod sa Prinsipe. Walang pag-aalinlangan. Sugat kung sugat ang tuhod!

Nanatili ang hawak sa 'kin ni Ringo at Farah. Tiningnan ko si Harris na mariin pa rin ang tingin sa 'kin.

"Hindi ako espiya! Ano ka ba! At ayoko ng makulong." Naiiyak na sambit ko.

"Kung ganoon, bakit alam mo ang pangalan ng kaharian ng aming kaaway?"

Nakagat ko ang labi ko. Paano ko ba 'to ipapaliwanag?

"Ganito kasi, ano. Sa mundo namin, may palabas sa TV." Iminuwestra ko pa ang mga kamay ko para maidescribe ang TV. "Yong bidang lalaki, ang pangalan, Tom Saywer. Gets mo?" Para na akong baliw dahil nakatitig lang siya sa 'kin. "Malay ko bang tutugma 'yong hula ko. Hindi ko talaga alam! Hindi naman ako espiya. Natawa lang talaga ako sa pangalan ng kaharian niyo." Sumama ang tingin niya. "..kasi ano...kakaiba! Oo! Tama! Kakaiba ang kaharian niyo. Nakakamangha." Bawi ko na may kasamang pang-uuto.

Humalukipkip siya, tila hindi pa rin kumbinsido. Lalo pa akong lumuhod. Takte! Pakialam ko sa pride!

"Sige na po, Mahal na guwapong prinsipe."

Tumaas ang kilay niya. "Hindi mo na kailangang sabihin ang matagal ko ng alam." Mayabang na sabi niya.

Ang kapal din ng apog nito!

"Ringo, Farah. Sige na. Iwan niyo na kami." Utos nito. Ngumiti ako.

"Seryoso po ba kayo, Mahal na Prinsipe?" Si Ringo na mahigpit pa rin ang hawak sa 'kin.

Tinarayan ko siya. Aba! Ayaw pa yata akong pakawalan ah!

"Oo nga raw diba! Seryoso ang Prinsipe!" Asik ko. Nanlaki ang mga mata ko nang samaan nila ako ng tingin.

"Sige na. Ako na ang bahala." Si Harris.

Mayabang akong tumingin sa dalawa. Lagi ko talagang kaaway ang dalawang ninja turtles na ito! Nakakainis na eh!

Yumuko pa sila at iniwan na kami. Hinaplos ko ang mga braso ko na nakatikim na naman ng kadena. Tumikhim ang prinsipe. Napatingin ako sa kaniya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka espiya, dahil kung hindi ako mismo ang papatay sa 'yo." Mariing sambit niya bago tumalikod.

Nagulat ako at hindi agad nakagalaw. Nakakatakot 'yong sinabi niya. Akala ko, por que may kaunti na kaming pinagsamahan e magiging mabait na talaga siya. Ngunit, Prinsipe pa rin siya. May obligasyon sa nasasakupan at kung sino man ang humadlang, talagang papatayin niya.

Pero, hindi naman ako eh huhu.

"Sumunod ka sa 'kin!" Sigaw niya kaya agad naman akong tumakbo at hinabol siya.

Pumunta kami sa harap mismo ng mga nagsasanay. May isang lalaki at babae ang nagmamando sa kanila. Tumingin sa gawi namin 'yong dalawa at agad nilingon ang mga nagsasanay para tumigil at magbigay galang sa katabi kong walang emosyon at diretso lang ang lakad.

"Magandang umaga, Mahal na Prinsipe." Sabay na bati noong dalawa saka sila yumuko. Ganoon rin 'yong mga nagsasanay na pumila pa talaga.

Astig naman!

Tumango lang ang Prinsipe sa mga iyon at umayos ng tayo. Ganoon rin naman sila.

"Kumusta ang pagsasanay?" Tanong niya. Nakalagay ang kaniyang kamay sa likuran.

"Maayos naman po. Marami na ang sanay sa paggamit sa kanilang kapangyarihan. Nakokontrol na nila ito ngunit nanghihina kapag labis ang paggamit." 'Yong lalaking medyo may kahabaan ang buhok. Tinitigan ko siya. Guwapo siya. Lahat naman yata ng tao rito, angat talaga ang itsura. Siguro rito talaga ako nakatira, hehe.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon