Kabanata 7

173 7 0
                                    

"A-Ako?" Takang turo ko sa aking sarili nang 'di pa rin nawawala ang titig sa'kin ng lalaki.

Kunot noo siyang tumango. "Ikaw nga. May iba pa ba?" Mukhang inis pa yata.

Nilibot ko ang tingin ko at halos lahat sila ay nakatingin sa 'kin! Inaano ko ba 'tong mga 'to? Naiirita pa naman ako pag maraming nakatingin sa akin.

"Babae, tinatanong kita." Napatingin ulit ako sa kanya. Napalunok pa ako nang makitang seryoso na ang kaniyang tingin.

Bakit ba kasi ang guwapo nito? At kakaiba ang mga suot nila.

"T-Teka nga. Mukha ba akong espiya?" Kinakabahang tanong ko.

Tinitigan ako ng lalaki at maya maya'y tumango. "Oo."

Ni-realtalk naman ako!

"Sa ganda kong 'to? Mukha akong espiya? Sinabi nang napadpad lang ako rito e! My gosh!" Frustrated kong sigaw.

Napamaang siya sa medyo inis kong sambit.   Nagulat ako nang may mabilis na tunog at sa isang iglap ay may mahaba at makintab na bagay na sa aking nakatutok.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatutok sa akin ang espada nitong si Grego!

Espada ah. 'Yong tunay na espada! Ano ba 'tong iniisip ko! Huhu.

"Isa kang lapastangan, binibini." Mariin na aniya habang diretso sa akin iyong hawak niya.

Napatikom ako sa bibig ko. Parang nawala bigla 'yong inis ko. May posibilidad kayang maaari akong mamatay sa loob ng libro?

Sinenyasan siya ng lalaking nagsasabi na espiya ako. Agad na tumango itong si Grego at ibinaba ang espada sa harap ko. Muntik na akong mawalan ng balanse nang mawala iyon sa mukha ko.

"Isang tanong muli. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi mo. Ngunit, sagutin mo ang tanong kong 'to. Espiya ka ba?" Mariin muling tanong nito.

Huminga ako ng malalim. Nakaramdam na naman ako ng inis. "Paulit ulit? Hindi nga diba.." bumaba ang tono ko nang samaan ako ng tingin ni Grego.

Tumaas ang kilay niya sa 'kin at galit na lumayo. Tumalikod siya at hinarap si Grego na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Dalhin niyo siya sa loob. Ipahatid mo sa mga kawal. Hindi siya puwedeng makaalis. " Utos nito at mabilis na naglakad papunta sa kanyang kabayo. Walang hirap siyang sumakay doon.

Yumuko si Grego at tumango naman ang lalaki. Tinitigan ko siya at nagulat ako nang samaan niya rin ako ng tingin. Grabe naman. Mabilis niyang pinihit ang kabayo at umalis.

Inano ko 'yon? Grabe sa taray! Inaano ko ba mga tao rito!

"Dalhin niyo siya sa loob." Mariing sambit ni Grego sa mga lalaking nasa harapan namin.

Tumango ang mga ito at lumapit sa 'kin. Nagtaka ako kung anong gagawin nila, ngunit hinila na ako ng dalawang lalaki.

"Teka! Saan niyo ako dadalhin?!" Nagpapanic kong sigaw.

Langya! Pag ako narape rito!

Lumingon ako kay Lucy at nakatingin lang siya sa'kin. Kinausap siya ni Grego at tumango lang siya. Hila hila pa rin ako ng dalawang lalaki. Samantalang sumakay naman sa kanilang mga kabayo ang iba. Tae! Ano ako? Maglalakad lang? Aba!

"Lucy! Hindi ako espiya!!" Sigaw ko. Nilingon ko pa siya pero naglakad na siya palayo.

Huhu! Anong mangyayari sa 'kin?

"Saan niyo ako dadalhin mga kuya?" Tanong ko sa mga ito, pero hindi man lang sila nagsasalita. Poker face!

"Kuya! Hindi ako espiya! Ano ba namang alam ko rito sa inyo? Taga rito ba ako ha?" Ngawa pa rin ako ng ngawa, kahit na hindi nila ako pinapansin.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon