Kabanata 18

126 5 0
                                    

Kabanata 18

Alam kong nilagay ko ang librong ito sa drawer noong hapon na iyon. Isiniksik ko pa ito sa pinakailalim kaya imposibleng ako ang naglagay niyan sa bag ko.

Hindi kaya..si Tita?

Napailing ako sa naisip. Bakit naman noon ilalagay sa bag ko? Ayaw na ayaw niya nga ang mga libro ko.

Paano ito nakarating dito?

Bumuntong hininga ako at napansin na palapit na si Lucia. Nagtaka pa ako nang makitang may dalawang lalaki ang nagbubuhat ng dalawang tray sa kaniyang likod. Ngiting-ngiti si Lucia habang palapit sa akin.

Tumayo ako at sinalubong sila. "Bakit may tagabuhat ka?"

Tumingin ako sa isang lalaki at inabot ang tray na hawak niya. "A-Ako na."

"Ah, hindi na. Ako na niyan." Kinuha ko iyon sa hawak niya. Nangunot pa ang noo ko nang mapasinghap siya bigla. Aksidente palang nagtama ang mga daliri namin. Inalis ko 'yon agad.

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

"Salamat." Asiwa akong ngumiti dahil halata na kaya nila tinulungan si Lucia ay para sa akin.

Dakila akong assumera pero dahil iyon sa mga kilos ng mga tao sa paligid ko. Alam kong popormahan ako ng dalawang 'to.

Natanggalan ka lang ng libag ng konti, feelingera na agad!

Ngumuso ako sa sinabi ng isip ko. Pakialamera talaga.

"Enjoy your lunch, Almerie." Namula ulit siya.

Pumalatak si Lucia. "Kasama rin ako 'no!"

Hindi siya pinansin ng dalawa at ngumiti pa sa akin bago nagtutulakan na umalis.

Bumuntong hininga ako. Hindi ako natutuwa sa mga ipinapakita nila sa totoo lang.

"Grabe! Sa sobrang ganda mo, may pila na agad sa 'yo, Almerie!" Si Lucia habang inaayos ang mga pagkain.

Umirap ako at kinuha ang pamuyod saka iyon pinusod sa buhok ko. Hinigpitan ko pa dahil naiinitan talaga ako sa mahaba kong buhok ngayon. Inalis ko ang sapatos saka pinatong ang paa sa silya.

Nagkatinginan kami ni Lucia sabay sabing, "Kain na tayo!"

Kaya naman busog na busog ako habang pabalik sa classroom. Hinihimas-himas ko ang tiyan habang nakikinig sa kuwento ni Lucia. Ang sarap pa rin ng pagkain sa canteen!

"Gumanda nga, dugyutin pa rin naman kumilos!" Dinig kong sabi ng babaeng nadaanan namin.

Hindi ko sila pinansin dahil inaantok ako. Ang sarap matulog kapag busog na. Kaso hindi naman puwede iyon.

"Kadiri pa rin naman, wala namang nagbago." Narinig ko ulit.

"I know right! Si Hannah pa rin ang maganda."

"Feelingera, por que umayos ang itsura!"

"Ah pushet." Tumigil ako sa paglalakad.

Takang napalingon si Lucia sa akin. "Oh bakit?"

Nilingon ko ang tatlong babae na nag-uusap sa may likuran namin. Nalagpasan na namin sila ngunit may sapak yata ang mga ito at sinusundan pa kami habang nagchichismisan.

"Anong tinitingin tingin mo?!" Asik ng may pinakamahabang buhok sa kanila.

Namangha ako. Parang gusto ko tuloy hiramin si Sprite para ilabas ang baging niya at hilahin itong babaeng 'to. Syempre hindi puwede, dahil nasa libro lang naman sila.

"Wala naman."

"Psh. Pangit!"

Suminghap si Lucia. "Huwag mo ngang ipangalandakan ang mukha mo!"

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon