Kabanata 38

118 5 0
                                    

Kabanata 38

Bumusangot ako habang nakasunod sa dalawang taong masayang nag-uusap. Nakakainis naman talaga. Ano pa ba ang ginagawa ko rito at bakit kasama pa ako? Kung magd-date naman pala sila dapat sila na lang dalawa at hindi na ako isinama! Gumising-gising pa ako ng maaga! Tapos ganito pala.

I raised a brow when Selena laughed elegantly. Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa at nakakairita na wala akong maipula!

Ang ganda-ganda niya sa suot na pink na bestida. Nakasuot din siya ng boots at lalo lamang iyong nagpaganda sa kaniya. Sobrang puti ba naman ng babaing ito. Ewan ko, bitter talaga ako.

Napaismid na naman ako nang bumalik na naman sa alaala ko kung paano sumalubong si Selena sa bulwagan ng palasyo matapos kaming makitang naglalakad.

Feeling asawa. Hindi naman girlfriend.

Sorry dahil bitter talaga ako! Nakakainis huhu.

Panay ang palitan namin ng salita ng prinsipe habang naglalakad kami sa gubat dahil hindi pa rin siya tapos sa mga sermon niya.

"Bakit ka pumaroon? Sino ang kasama mo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Ngumuso naman ako dahil ako ang nakasakay sa kabayo samantalang nasa gilid siya noon. Masama pa nga ang tingin sa akin ni Grego nang sabihin ng prinsipe na ako ang sasakay at maglalakad na lang siya.

Aba hindi ko naman kasalanan na head over heels pala itong prinsipe sa akin kaya bakit siya sa akin nagagalit hindi ba?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala naman siyang ambag sa buhay ko, paliliyabin ko siya kasama ni Farah kapag sinubukan niya pang humugot ng espada sa harapan ko!

"Si Lol-Delailah." Ano ba iyan, lagi ko na lang nasasabi na si Lola!

Mamaya magalit na naman iyon at pinagmumukha ko siyang matanda.

Natigilan ako at napasapo sa noo nang maalala na hindi ko naitanong sa kaniya kung paano siya nakalalabas dito at nakakabalik din!

Iyon ang itatanong ko sa kaniya kanina kaso nawala sa isip ko dahil sa gulat sa edad niya.

"Saan mo siya nakita?" Tumaas ang kilay niya sa akin.

Umayos ako ng upo at medyo nangangalay na ako sa puwesto ko. Napansin niya iyon kaya saglit niyang pinatigil ang paggalaw ng kabayo. Napanguso naman ako nang tumigil din si Grego sa hindi kalayuan.

"Ayos na." Sambit ko kaya tumango siya.

"Saan mo nga siya nakita? Hindi ba at nasa silid ka nang iwan kita kanina?"

Nanumbalik sa akin ang ginawa niyang pag-iwan noong nabalitaan na nakalabas na si Selena! Ang kapal kapal talaga. Kandong niya lang ako tapos noong bumalik ang babae parang wala na ako. Hahays.

"Umalis ako." Simpleng sagot ko, ayaw nang pahabain.

"Lumabas ka ng palasyo?"

"Obviously!"

Hindi naman na siya nagsalita at baka hindi naintindihan ang sinabi ko. Umirap ako at diretso na sa una ang tingin.

"Kung ganoon, balak mong bisitahin si Adam."

Gulat akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Wow, ang galing niya namang manghula at tamang-tama ah?

"Oo, balak ko siyang bisitahin." Pag-amin ko dahil ano naman ngayon kung magsisinungaling pa?

"At bakit naman? Umalis lang ako kanina, tumungo ka na agad sa kaniya?"

I narrowed my eyes at him. His eyes were serious.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon