Kabanata 23

119 5 0
                                    

Kabanata 23

"Ano ba ang nangyari sa kaniya?" Dinig kong sambit ng isang babae.

"Kailan siya magigising, kuya?" Si Hareign.

"Hindi ko alam." Sagot ng prinsipe.

May naramdaman akong humawak sa braso ko at may pinahid na kung anong langis ganoon na rin sa aking bandang dibdib, kumalat ang anghang sa parteng iyon. Gusto ko tuloy imulat ang mga mata ko at hanapin ang nagpahid noon at batukan ng matindi.

"Leila, kapag hindi pa siya nagising. Papuntahin na ang manggagamot." Si Harris na alam kong nasa gilid ko lang.

"Masusunod po, Mahal na prinsipe."

Namayanin ang katahimikan. Pinigilan ko talaga ang sarili kong imulat ang mga mata dahil nac-curious na ako sa paligid ko. Iniisip ko tuloy kung tinitigan ba nila ang mukha ko?

Nakakahiya naman kung may panis na laway  pala ako sa gilid diba?

"Huwag kang magsisinungaling sa akin, Mahal na Prinsipe." Mariing sambit ng boses ng babaeng una kong narinig kanina. "Ano ang kakayahan niya?"

Nangunot ang noo ko. Ako yata ang pinag-uusapan.

Bumuntong hininga ang Prinsipe. "Mahal na Reyna, nagtataglay siya ng kakayahan..na walang kapareha sa kahariang ito."

Napasinghap ang Mahal na Reyna. Gustong-gusto ko na talaga buksan ang mga mata ko at manood na lang sa kanilang dalawa pero baka ikulong ako bigla dahil isang kalapastanganan ang makinig sa kanilang pag-uusap.

"Ano ang iyong ibig sabihin, kuya?" Si Hareign pala ay narito pa sa kuwarto kung nasaan ako.

Hinintay ko ang isasagot ng Prinsipe ngunit wala na akong narinig kaya inayos ko ang pagkakapuwesto ng tainga ko, baka kasi natatakpan ng unan kaya hindi ko marinig.

Bakit hindi na sila nagsasalita? Umalis na ba sila?

"Imulat mo na ang mga mata mo."

Hala. Mas ipinikit ko ang mga mata nang marinig ang mariin na boses ng prinsipe.

"Batid kong kanina ka pang gising." Lumapit ang boses niya kaya napakapit ako sa higaan ko.

"Di wow." Sagot ko at dahan-dahan nang iminulat ang mga mata.

Medyo kinurap-kurap ko pa ang mga mata at tama naman akong nakamulat ako!

Pero bakit ang dilim? Wala akong makita!

"Bakit wala akong makita?" Hinawakan ko ang mukha at inabot ang mga mata. Ramdam kong nakamulat naman sila. "Bakit wala? Ang dilim! Hoy prinsipe, anong nangyari sa akin-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang ilaw. Napatingin ako sa lalaking nakaismid sa akin habang palapit na ulit sa higaan ko. Kami na lang palang dalawa rito.

"Labis ka namang mag-alala. Maayos pa naman ang iyong mga mata." Panunuya niya na para bang sobrang OA ko sa paningin niya kanina.

"Hoy! Alam mo naman na kagigising ko lang tapos hindi nakabukas ang ilaw? Anong iisipin ko diba?" Umirap ako at bahagyang bumangon.

Pinanood ko siya, akala ko lalapit siya at aalalayan agad ako pero nakatingin lang siya sa higaan ko na parang doon pa naawa.

Nasaan na ang mabait na Prinsipe noong sinuyo niya ako? Balik na naman ba siya sa pagiging suplado?

"Kamumulat mo lang, kanina ka pang gising babae." Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran saka dahan-dahang lumapit sa akin.

Napalunok naman ako sa tindi ng intesidad na hatid ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now