2

21 5 0
                                    




Nakasunod lang ako kay Marcus habang papasok nang SCU. Hindi maikakaila na sikat ang mahal na hari sa school nila. Sabagay, magmula kinder ay dito na ito nag aral at isa pa ay anak ito ng may ari. Maraming nakahilerang mga lamesa ngayong araw ng klase, wari mo'y nanghihikayat na sumali sa ibat ibang klase ng organisasyon.


Napailing na lang ako nang makita ko kung paano batiin ni Marcus ang mga estudyanteng nagpapapansin sakanya na parang isa itong senador na nangangampanya. Nagpaalam ito sa akin na may babatiin lang daw siya saglit na senior, mabilis naman akong tumango. Ilang hakbang lang naman ang layo nila mula sa akin. Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin ko upang makapili na ng magandang organization.

Saan kaya maganda sumali?

Sa drama club? Pass, paniguradong doon sasali ang mahal na hari.

Sport club? Nah, I prefer reading than playing any sports.

Music club? Not bad.



Abala ako sa paghahanap kung saan ang stall ng Music club nang biglang may sumigaw sa pangalan ko kung saan. Agad ko naman nakita ang taong tumawag sa pangalan ko and at such a young age ay taglay na niya ang pagiging sopistikada. Ngumiti ako ng matamis nang makita ko ang maganda niyang mukha at daglian niyang hinawakan ang dalawa kong mga kamay.


"OMG, I thought my cousin was just bluffing when he said that you got accepted here. Gosh, I'm so so so happy!" Then she hugged me and I can't help but to giggled.


There is an exemption in everything. Tulad ng babaeng nasa harap ko ngayon. She's damn rich, pero magmula nang makilala ko siya last summer nang minsan siyang isinama ng pinsan niyang si Marcus sa bahay upang bumisita, ay hindi ko pa siya nakitang nagyabang dahil mayaman siya unlike ng mga nakikita namin sa palabas ni Inay.


"Ako din masaya kasi may kakilala na agad ako dito sa napakalaking school niyo" Nakangiting sabi ko.


Stock holder din kasi ang pamilya niya dito tulad nang sabi ni Marcus, agad na lumawak pa lalo ang ngiti niya at tuluyan na itong kumapit sa braso ko. Sabrina is such a sweet girl kaya hindi na 'rin ako nagtaka sa pagiging protective ng pinsan niya sa kanya pero madalas ay laging bully ito kay Marcus.


"Oh c'mon I'll tour you so that you'll be more familiar here." Yaya niya sa akin, mabilis naman akong lumingon sa gawi ni Marcus upang mag paalam pero abala pa 'rin siyang nakikipag usap sa mga estudyante sa may drama club.


"Wait Sabrina, magpapaalam muna tayo kay Marcus para alam niya kung nasaan tayo."


"Okay!" "But hey, diba I told you na Sab na lang ang I call mo sa akin, we're friends na right?" Naka labing sambit niya.


Natawa na lang ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa 'rin ako makapaniwala na gusto niya ako kaibiganin. Alanganin akong tumango bago sumagot. "Okay S-sab. Let's go?" nahihiyang sabi ko gamit ang maliit na boses.


"Gosh, you're really adorable kapag you're shy." natawa na lang kaming dalawa habang papalapit kami sa puwesto ni Marcus dahil sa kumento niya.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now