46 part one

17 0 0
                                    



Nang makauwi ako sa condo ni Sab ay abot ang ngiti ko hanggang sa aking mga labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko kanina. Ngayon ko lang ako nakaramdam ng hiya pagkatapos akong ihatid ni Marcus. Wow, talaga ba Irene? Kamusta naman ang pagpapak mo sa mga labi ni Marcus kanina?

Dahil sa naisip ko ay hindi ko mapigilan ang mapailing at mapangiti dahil naalala ko na naman ang gulat na mukha ni Marcus kanina. Pambihira! Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng mahal na hari 'yon.

Masaya ako dahil sa wakas ay naliwanagan ako sa totoong nararamdaman ko tungkol kay Marcus. Ang tanging problema ko na lamang ay si Suzanne. Alam ko, babae rin ako. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Marcus. Nasabi ko kay Marcus kanina habang pauwi kami sa condo ni Sab ang pangamba ko kay Suzanne. Sinabihan niya akong siya na raw ang bahala na magsabi kay Suzanne na wala ng kasalang magaganap.

Gustohin ko man o hindi ay halata naman na wagas at totoo ang pagmamahal na nararamdaman ni Suzanne kay Marcus. Dahil sa tuwing napapatingin ako sa mga mata ni Suzanne kapag pinagmamasdan niya si Marcus ay para lamang akong nakatingin sa repleksyon ko. Panigurado ay gano'n rin ang klase ng tingin ang ibinibigay ko kay Marcus. Tingin ng isang pagmamahal.

Kaya maiintindihan ko kung hindi maiiwasan na sumama ang loob niya sa amin. Tao lang din siya, may puso at marunong magmahal. Ewan ko ba dito kay Marcus. Masyado kasing magaling humuli ng puso ng mga babae. Napailing na lang ako at kalaunay napangsi nang maalala kong muli ang asaran namin kanina ni Marcus. Ano ba iyan!

"Saan ka galing babae?"

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang nagsalita ang tao sa likod ko habang isinasara ang pinto ni Sab. Nanlalaking mga matang napatingin ako sakanya dahil sa kaseryosohan ng boses niya.

"Ganito ba ang oras ng uwi ng isang dalaga? Ha?" Sunod sunod na tanong ni Siena. Dahil sa mga tanong niya ay hindi 'ko tuloy maiwasang mapairap. Nakasumpong na naman ang lukaret na'to.

Dahil hindi ako nilulubayan ni Siena ay sinagot ko ito, "nakipag date ako. May problema ka?"

"Ay, dalaga na si madam! Naol may ka-date!" biglang sigaw nito dahilan upang awtomatikong lumapit sa amin si Sab habang may naka-kabit na facial mask sa mukha niya. Anong oras na ba?

Nang mahagip ko ang orasan sa may dingding ng kusina ni Sab ay nakita 'kong alas otso na pala. Ganoon kami katagal magkasama ni Marcus!? Well, sinusulit ko nga kasi ang araw diba? Sige palusot pa.

"Who had a date!? Was it you Irene? With whom? With my cousin? Marcus?!" Sunod sunod na mga tanong ni Sab sa akin habang papalapit ito.

"Ay akala ko ba babastedin mo na si Marcus? Marupok yarn?" Singit ni Siena. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ingay ng bibig niya.

"Teka isa isa lang." Agad 'kong anunsyo sakanila at umupo sa sofa ni Sab.

Halata sakanila ang kuryusidad dahil ang mga lukaret ay talagang pinagitnaan nila ako. I signed.

"Kami na ulit ni Marcus." Anunsyo ko.

I saw how Siena fell on the floor and Sab's mask fell on her lap because of my revelation. I tilted my head to inform them that I'm waiting on their response.

"Tangina. Sana all talaga." Unang nakabawi si Siena na tulala pa ring nakatingin sa akin hanggang ngayon.

Dahil sa narinig ko ay pasimple kong inihampas sa kanya ang buhok ko para asarin siya. Na agad naman niyang inireklamo.

"Puta. Ayos-ayusin mo iyang buhok mo, Irene. Masasabunutan ko talaga 'yan." Saad ni Siena habang nakatingin ng masama sa akin. Napangiti tuloy ako dahil mukhang may pinagdadaanan din itong kaibigan ko. Tinapik ko ang likod niya bago nagsalita.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now