28

25 3 0
                                    




Dalawang araw na ang nakakalipas magmula nang ilibing namin ang mga labi ni Itay. Katabi ni Itay si Lola na bata pa lang ako ay iniwan na kami. I know Itay is happy right now wherever he is, habang kami ay hindi alam kung paano namin maitataguyod ang bawat araw na hindi namin siya kasama. 


Ito yung masakit kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay biglaan ang pagkawala, hindi ka handa, hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na makapag handa kung sakaling aalis siya. Masakit, ang hirap gumising sa umaga na hindi mo na masisilayan ang mukha nila, ang ngiti nila sa bawat espesyal na okasyon. Katulad na lamang ngayon na isa sa mga matagal ko nang hinihintay ay dumating na ngunit wala na sa tabi ko ang naging isa sa mga inspirasyon ko kung bakit nakamit ko ang tagumpay na ito.


Mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak magmula kanina dahil kakaisip kay Itay. Suot suot ko ang dress na binili ko para sa graduation ko na siyang utos ni Itay noon. Matagal kong hinintay ang oras na ito dahil sa wakas ay makakatulong na ako sa pamilya ko, pero bakit hindi ko magawang maging masaya at puro panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon at sumusunod ang galit. Pinunasan ko ang mga natuyong pisngi ko nang narinig ko ang mga ilang katok mula sa pinto.


"Anak... Halika na. Mahuhuli na tayo." Nakangiting sabi ni Inay sa akin habang nakasilip naman sa may pinto ang bunso kong kapatid na si Ivy.


"Wow! Ate ang ganda ng dress. Pahiram ako, ah!" Singit ni Rochele sa tabi ni Inay.


Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa mga taong nasa harap ko. Sila ang nagpapaalala na dapat hindi dapat ako magpatalo sa lungkot. Tumango ako bilang sagot.






"Irene!"Ang sigaw ni Emery ang nangibabaw nang makapasok ako sa auditorium kung saan din ginanap ang graduation ni M-Marcus. Ngumiti ako nang makita ko siyang dali daling tumakbo papalapit sa akin kasunod si Pres. Parang ang tagal naming hindi nagkita ah samantalang halos sa bahay na nga sila tumira noon dahil sa isa sila sa mga tumulong sa akin kakaisakaso sa libing ni Itay.


"Okay kana bakla?" Nag aalalang tanong ni Ems nang makalapit na sila sa akin. Sila Ina ay umupo na para sa mga guests. Tumango sa kanya at ngumiti na upang hindi na sila mag alala pa at isa pa ay ayokong I spoil ang moment ang graduation namin dahil lang sa akin.


"Huwag ka ngang plastic. Tayo tayo lang naman ang nandito." Naiiritang saad ni pres. Kahit kailan talaga ay pasmado ang bibig nito pero natawa na lang kami ni Ems dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin yung pres namin na prangka since freshmen kami. Ngumiti lamang ako sakanila at napagdesisyunang makinig na sa program ilang sandali lang ay awarding na.




"...Bachelor of secondary education major in English... Let us welcome our Summa Cum Laude, Idalia Renee Torres Bernardo."




Palakpakan ng mga tao ang naririnig ko habang papunta ako sa entablado upang tanggapin ang parangal na natanggap ko. Nang mapalingon ako sa gawi nila Inay ay nakatayo ito habang pinapalakpakan ako. Kakaibang saya ang masisilayan sa mukha niya at masaya ako roon dahil kahit papaano ay napasaya siya ng parangal na natanggap ko. Nagpasalamat ako sa dean namin nang isuot niya ang medal sa akin at dumeretso na sa may stage right upang ibigay ang graduating speech ko. 

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now