4

12 5 0
                                    




Totoo nga pala talaga ang kasabihan ng mga matatanda na hindi lahat ng bagay ay makukuha mo. Naalala ko pa noon nung bata ako na kapag mayroon akong gustong gusto na laruan ay si Itay ang magpupursigi upang makuha at maibigay niya ito sa akin, kaya lagi akong napapagalitan kay Inay noon na kapag may gusto daw ako ay kailangan ko muna itong paghirapan bago makuha. As I grow, naiintidahan ko ang pinupunto ni Inay. Siguro kung pwede 'ko lang na sabihin kay Marcus na gusto ko siya ay sinabi ko na para tuluyan na siyang maging akin but I know that the feeling is not mutual. I knew from the very beginning that the relationship that we have is just platonic love.


It's hard. Sobrang hirap pala na makita na ang taong gusto mo ay hindi mo makuha ng ganun kadali kahit na lagi mo lang siyang nakakasama at nakakausap.  When you are taking your first step to get him yet he is giving you ten reasons to stop.


I keep on reminding myself na lilipas 'din itong nararamdaman ko balang araw, na mapapagod 'din ang puso ko kakaasa na mapapansin niya ako bilang isang babae at hindi na best friend niya lang but in real life ay hindi pala ganun iyon kadali dahil sa bawat araw na dumadaan ay mas lumalala pa ang nararamdaman ko para sakanya. It is like a disease that is incurable. I like Jacques Marcus King and I hate the fact that I can't help myself to like him more.



"Hoy!" Biglang bulong ni Sienna sa tenga ko.


"H-huh?" I spaced out.


Siena just crossed her arms at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay.


"I-I'm sorry. May iniisip lang ako." Pagdadahilan ko at pilit na inaaral ang mga notes ko sa English lit.


Nandito kami ngayon ni Siena sa may library ng SCU upang mag aral ng mga notes, tatlong linggo na 'rin ang lumipas nang mag umpisa ang klase. Hininhintay kasi namin si Sab. Ngayon na kasi ang registration para sa music club dahil nag announce ito noong unang unang linggo ng klase na postponed muna ang registration sa mga gustong sumali dahil may inaayos pa daw ang mga seniors. 


Ang una 'ko talagang tinext upang magpasama ay si Marcus upang siya na lang ang makasama ko para puntahan ang building ng mga senior dahil nangako naman ito na sasamahan niya ako kapag registration day na, ang kaso ay hindi naman ito nag re-reply sa mga texts ko, kaya nang makita ko si Siena ay sakanya na lang ako nagpa sama and we ended up texting Sab too. 

Madaling makagaanan ng loob si Siena dahil likas na ang pagiging mabait niya though may pagka mainitin nga lang ang ulo pero okay 'lang naman sa akin iyon dahil masaya naman siyang kasama.


"Kanina pa ako nagtatanong sa'yo kung ano ang ginawa mo kahapon, babae." Masungit niyang sabi but I know better.


"Kinakabahan 'lang talaga ako sa registration mamaya sa music club." Pag amin ko at napabuntong hininga.


"Totoo? Baka naman iniisip mo na sana si Marcus ang kasama mo ngayon? Oh well, babae your best friend has just ditched you." Prangkang tugon niya. Nawalan ako ng imik.


Siena is right. Mahigit sampung beses ko atang pinaalala kay Marcus na siya ang gusto 'kong makasama kapag magpapa register ako last week. Dahil ayon sa mga seniors ay kailangan mo munang magpakita ng talent sa music bago ka mapabilang sa club na iyon.

Twilight PromisesOnde histórias criam vida. Descubra agora