12

9 4 0
                                    



Sports festival. Isa sa mga sa school activities na pinaghahandahan ng mga estudyante ng SCU. Last month nag announce ang president ng student council, na kailangan lahukan ang mga sports na hinanda nila at dahil masyadong pabida itong class president namin na si Goldilocks ay ako ang inilista niya na maglalaro ng archery sa class namin. 


Hindi 'ko alam kung ano masamang hangin ang umihip sa utak ng president namin at ako ang inilagay niya sa sport na 'yun. Badminton nga hindi ako naglalaro, archery pa kaya at noong tinanong 'ko siya kung bakit ako ang inilagay niya, ang isinabi niya lang ay "wala, trip ko lang." napatanga na lamang ako dahil sa sinambit niya.


Ramdam 'ko ang tagaktak ng pawis 'ko na walang humpay sa pagtulo dahil sa pagpapractice 'ko ng Archery. Kasalukuyan akong nasa likod ng gym dahil masyado ng maraming estudyante ang nagpapractice sa loob, kabilang na sila Suzane para sa cheerdance at ang mga basketball players. Hindi 'ko mapigilan ang mainis sa tuwing aasintahin 'ko na ang pana 'ko ay ang mukha ni goldilocks ang naiisip 'ko, tuloy ang mukha niya ang naiisip 'kong target. Saan naman kaya niya nakuha ang ideya na ako ang ilalaban niya sa archery.


Halos tatlong linggo na rin akong nag papractice at napapatalon ako dahil sa tuwa tuwing may tumatamang pana sa target na nakapaskil sa may puno, tela muna ang ginagamit 'kong target dahil masyadong malaki ang target board at hindi ko madadala iyon dito sa likod dahil nasa loob ito ng gym. Okay lang naman iyon atlis kahit saan ay madadala ko ito, ang problema nga lang ay halos himatayin naman ako sa init ng panahon.


"Taray, ang galing mo na."


Napalingon ako sa bagong dating. Si Siena na may dalang pineapple juice. Ngumiti ako nang makita ko siya at iniligay ko muna sa may bench ang pana na hawak ko at ang mga ilang arrows.


"Ako pa ba." Birong sabi 'ko.


"Yabang. Oh, pinabibigay ng mahal mo." Sabay abot niya sa akin ng juice. Nagtataka ko siyang tinignan. Pinaikutan niya muna ako ng mga mata bago sumagot.


"Galing sa mahal na hari mo." Sambit niya.


"Ah..." Mabilis 'ko itong kinuha at nakangiting uminom.


"Baliw ka na. Juice lang yan oy. Baka kapag puso na niya ang ibinigay niya sayo ay sa mental na tayo magkita."


"Grabe ka naman." Sabay hampas ko pa sakanya kunwari at todo ang ngiti.


Wala nang nagawa si Siena kung hindi ang mapatanga dahil sa inakto ko. Kahit kailan talaga eh nakakatawa ang ekspresyon niya sa mukha kapag kunwaring kinikilig ako kay Marcus.


"Malala kana, kaibigan." Sabay iling nito at umalis na.


"Wait lang, huy!" Natatawang saad ko. Nakita ko pang lumingon ito uli sa gawi ko at mas lalo niyang binilisan ang lakad nang makita nitong nakasunod ako sakanya.

I guess that's all for today.




Twilight PromisesWhere stories live. Discover now