31

21 1 0
                                    





"Your handkerchief. Until now, you're still forgetful. Old habits die hard, aren't we?"


I stared at his face for a minute before I moved my damn feet to get my damn handkerchief. Pati ata ang panyo ko ay sumasabay sa pagiging tanga ngayong araw. Last time I checked, it was perfectly inside my pouch. Shocks, it slipped! Hanggang saan kaba dadalhin ng katangahan mo, Irene? Nasabihan ka ngang cum laude noon pero ano itong kabobohang pinag gagawa mo magmula kanina? Worst, nangyari lahat yon sa harap ni Marcus.


Nakataas lang sa ere ang putting panyo kaya naman mabilis koi tong kinuha sa kamay niya. I carefully got it without touching his hand. Baka kasi may germ na nagngangalang Suzanne at mahawaan ako, mabuti ng handa. Char lang.


Pagkuha ko sa panyo ko ay agad na akong tumalikod upang hindi niya makita ang hiyang nararamdaman ko magmula kanina pa at para hindi na niya mahalata ang pamumula na nararamdaman ko sa aking pisngi at baka ano na naman ang masabi niya.


"Hey wait!" Pigil niya na siya ring nagpahinto sa akin sa paghakbang. Ano pa ba ang kailangan ng mahal na hari nato? Hindi pa ba sapat na nakita niya ang mga katangahan ko magmula kanina? Pumikit muna ako bago nagsalita habang nakatalikod pa rin dahil ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko dahil sa kanya. Never in my entire existence have that I will tell him that he's still had an effect on me! Over my alive beautiful body!


"What?" I said it in my coldest voice. Tila nais kong palakpakan ang sarili ko nang sambitin ko ang salitang iyan nang walang halong kaba na mababakas sa boses ko bagkus para itong nagmula sa isang malamig at nagyeyelong freezer. Rawr, you got it baby!


"N-Nothing..."


Nang marinig ko ang sagot niya ay wala na akong sinayang na pagkakataon upang makaalis sa lugar na kinalalagyan namin at mabilis na hinanap ang mga kasama ko upang yayain na silang makauwi dahil totoo ngang nandito si Marcus at nasa peligro ang puso ko! Kailangan ko nang makaalis dito agad.


"Tara na Siena, uwi na tayo. Natatae na ako." Pagdadahilan ko upang mas maniwala ang si Siena at samahan akong umuwi. Pero tinignan lamang niya ako na akala mo ay galing ako sa ibang planeta.


"Luh. Nagkakaubusan na ba ng tubig sa SCU? Nakita pa lang kitang kakalabas sa restroom, hindi mo pa ba nailabas iyan?" Tanong niya sa akin sabay tingin niya sa tiyan ko habang kumakain ng tiramisu. Pambihira talaga itong babaeng to, pagkain talaga ang uunahin kaysa sa kaibigan niyang nasa peligro. Charot lang.


"Basta. Choosy ang pwet ko ayaw ng tubig sa kahit saan lang. Tara na kasi, libre kita Jolibee pauwi." Sulsol ko pa kay Sienna pero agad rin akong napaupo nang makita ko si Marcus na paupo na sa may lamesa namin. Anong ginagawa ng mahal na hari dito? Last time I check, ay nandoon siya sa lamesa kasa ang mga directors ng school nila. Hindi ko siya tinitignan at napagpasyahang tumigin sa may gilid ko. Nasa harap ko siya at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin na siyang lalong nagpapakaba sa akin ngayon. Pakiramdam ko tuloy para siyang surprise quiz ni Sir Baltazar, nakakakaba!


"Oy, sabi mo yan ah. Two pieces chicken joy sa akin tsaka burger meal ah." Saad ni Siena sa tabi ko habang busy pa rin sa pagkain ng pagkain niya at halatang hindi pa rin niya napapansin na kasama na namin si Marcus sa lamesa. Hindi ako umimik at hinayaan siyang mag isa sa kahihiyan. Punong puno kasi ang bibig niya sa kakain ng cake at iba pang dessert habang nagsasalita.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now