49

11 0 0
                                    



Dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko makuhang hawakan ang doorknob ng pintuan ni Marcus. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap kay Marcus dahil sa mga sakripisyo niya sa akin at para sa pamilya namin.

Biktima lang din siya pero kinailangan niyang pagdaanan ang mga hirap at sakit ng mag isa lang. Hindi ko man lang siya nakuhang kamustahin o tanungin kung maayos lang ba siya o kung kaya niya pa ba. Naging makasarili ako sa damdamin ko at puro pansarili ko lamang ang iniisip ko.

Nakuntento ako sa kakaisip na ako ang lubos na nasaktan sa lahat ng nangyayari sa amin pero hindi. Sa lahat ng taong nandito ngayon ay si Marcus ang lubos na nasaktan at kinailangan mapag-isa upang malampasan niya lahat ng mga problema. Napaupo na lang ako sa may gilid ng kwarto niya habang yakap-yakap ang sarili ko. Ipinagpapasalamat ko na lang na may mga ilang sundalo ang nakakalat sa buong hospital upang makasiguradong wala ng magtatangka pang muli kay Marcus.

Wala akong ideya kung sino o meron bang nagbabantay ngayon kay Marcus. Ang isiping nasa mabuting kalagayan siya ay sapat na sa akin. Kung hindi ko pa narinig ang mga yapak ng mga taong paparating ay hindi ko mapapansing nakatulog na pala ako.

Pagbukas ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga kaibigan ko. Sina Trevor, Jhudiel, Xander, Landon, Sab at Siena ang mga dumating. Bukod kay Landon at Sab ay halata sa mga mukha nila ang gulat nang makita nila ako.. Ang unang nakabawi ay si Siena.

"S-Saan ka galing?" Tanong ni Siena na malapit ng mapaiyak dahil sa mga namumuong luha nito sa gilid ng mga mata niya. Tumayo ako.

"Sa bahay nila inay..." Mahina kong tugon at walang sabing nilapitan ako ni Sab at mahigpit na niyakap.

Hindi ako makatugon sa yakap ng pinsan ni Marcus. Hiyang hiya pa rin ako sakanila lalo na sa pamilya ni Marcus. Nang maramdaman ko ang paghagod ng mga palad niya sa likod ko ay kinagat ko ang mga labi ko upang pigilan ang pag iyak.

"I-I'm sorry..."

"Shh... Marcus hates it when you cry." Sab whispered to me.

"Marcus is waiting for you. I think you should come in too..." Mahinang saad ni Jhudiele sa akin. Nginitian ko siya at kalaunay umiling.

"Ang tagal mong nawala. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Siena sa tabi ko, Si Siena ay mas pinili akong samahan sa labas. Noong una ay hindi niya ako kinikibo, marahil siya rin ay sinisisi ako sa pagkaka-aksidente ng kaibigan niya.

"O-Oo.."

"Sinungaling. Paano kang magiging ayos eh, nag aagaw buhay ang mahal mo." Pamamrangka sa akin ni Siena.

"I feel miserable..." Basag ang boses na saad ko bago nagpatuloy, "kung hindi lang ako umalis ng gabing iyon hindi sana mapapahamak si Marus. Kung hinintay ko lamang ang paliwanag ay hindi sana siya nag aagaw buhay ngayon... kung hindi lang ako naging tanga at makasarili, edi sana ay nakakasama ko pa siya ngayon... kung...." Hindi ko na nakuha pang magsalita nang sunod sunod nang naglabasan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Sa buhay natin ay hindi natin mapipigilan na makaramdam ng pagsisisi. Daraan at daraan tayo do'n, Irene. Parte iyan ng buhay. Minsan araw araw mo pa nga itong nararamdaman at ang tanging magagawa mo na lamang ay maghintay... maghintay na balang araw ay tuluyan ka nang lulubayan nito." Saad ni Siena habang patuloy pa rin ako sa paghikbi.

"Kagaya nang paghihintay sa'yo ni Marcus no'n. Hindi mo kailangang umiwas, Irene. Harapin mo ang pagsubok na ito at samahan si Marcus. Sa lahat ng mga taong nandito ay ikaw ang pinaka kailangan niya."



Nakaalis na sila Siena pero nanatili pa rin akong naghihintay sa labas. Pinagtitinginan na ako ng mga nurses at ilang mga doktor na tumitingin sa kalagayan niya. Gustong gusto 'kong itanong sakanila ang kalagayan ni Marcus ngunit tinatakasan ako ng lakas ng loob.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now