14

8 4 0
                                    



Tulad nang sinabi ni Marcus kagabi ay sa amin nga ito nag hapunan kaya imbis na ako ang bumili ng ulam ay nag insist ito na siya na lang daw. Hindi na ako umangal pa roon dahil masamang tumanggi sa grasya and knowing Marcus ay hindi ito papayag na ako ang magbabayad, ang reason niya? Pangit daw tignan sa isang lalaki na pinagbabayad ang babae pero nakakapagtaka dahil kapag si Sab ang magbabayad ay hindi niya naman ito pinipigilan at bakas sa mukha niya ang kasiyahan o baka kasi pinsan niya ito at alam niyang may kaya rin ito sa buhay?


Anong tingin sa akin ng mahal na hari, hampaslupa? Oh well, sa ngayon yun naman talaga ang totoo. Huwag kang mag alala Marcus, kapag ganap na akong isang teacher ay ako naman ang maglilibre sayo sa.... Date natin? Charot lang!


Pa charot charot lang eko pero sa totoo ay abot abot na ang kaba ko dahil second day na ng sports fest at ngayon na rin ako lalaban ng Archery. Palabunutan ang ginawa upang mabuo ang mga set ng mga players, by two ang magkakalaban at nang mabunot na ang para sa year namin ay ang student from College Law ang makakatunggali ko. Kumpleto sila Marcus para manood at naroon din si Jhudielle na nag good luck pa sa akin bago ako nag ayos. P.E uniform pa rin ang suot namin pero this time ay naka black shirt ako at hawak ko ang arm guard para suporta sa kanang braso ko.


Gusto ko pa sanang isuot ang salamin ko upang mas makita ko ang target kaso ang sabi sa amin ay bawal ang mga accessories at pinag pusod pa kami para raw walang sagabal sa mata namin. Bawat kalahok na natatapos ay mas lalong nagpapadagdag sa kaba ko at ng oras na namin para lumaban ay huminga muna ako ng malalim bago lumapit entablado na inilagay nila para sa mga kalahok.


"Panget."


"Yes, mahal na hari?" Tanong ko habang inaayos ko ang arm guard. Binigyan kami ng fifteen minutes para maghanda bago sumabak kaya naman puspusan ang dasal ko na sana ay wala akong magawang kakahiyan.


"Just do your best ah, panget?" Seryosong saad nito at inabot ang kaliwang palad ko.


"Ipagdasal mo na lang na sana manalo ako, mahal na hari. Ano iyan?" Natatawang tanong ko dahil masyado itong seryoso habang inaayos ang ano mang bagay na inilalagay niya sa daliri ko.


"Finger tab. It's your protection for blisters. Wala naman sa akin kung may mahawakan man akong mga kalyo sa kamay mo pero ayokong nasasaktan ang mga kamay mo and to think na hindi naman bukal sa loob mo ang sumali dito."


Wala na akong nagawa kundi ang mapasinghap ng tuluyan na niyang hinagod ang palad ko. It's so soothing and it makes me calm. Hagod lang pala ng isang Marcus King ang magpapatay sa nerbyos ko.


"T-Thank you." Mahinang usal ko dahil kahit binitawan na niya ang kamay ko ay pakiramdam ko hindi nawala ang paghagod nito.


He smiled genuinely. Thank you, Marcus, for showing up whenever I need you. Bago ako tuluyang nakalapit sa entablado ay siyang biglang sulpot ni Goldilocks, wala akong naging reaksyon dahil wala naman akong alam na sasabihin. Oh well, meron pala dapat akong ireaksyon dahil kung hindi dahil sa goldilocks na ito edi sana ay wala ako ngayon dito.

I restrain myself to roll my eyes because of her presence.


"May sasabihin ka ba pres? Dahil kung wala, maiwan muna kita riyan at oras na para lumaban." Saad ko at patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin, napakurap na lamang ako ng mga mata nang makita kong pinaikutan na naman niya ako ng mga mata. Ano na naman ang ginawa ko sakanya?

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now