16

6 1 0
                                    




Naranasan niyo na ba yung may hiniling ka sa Diyos na gustong gusto mong makuha pero alam mong malabo mo itong makukuha? Yung tipong kahit ikaw na ang pinakamayaman sa buong mundo o ang pinakamagandang nilalang ay wala ka pa rin na kakayahan na mapasaiyo ito? Simple lang kasi hindi naman ito itinadhana ng Diyos para sa atin, ano man ang gawin natin. Isugal man natin ang lahat ng kayamanan natin at sumali pa tayo sa Miss Universe ay hinding hindi ito magiging atin.


Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naiisip ko habang pinagmamasdan ang pigura ng isang tao, na kalahati na ata ng buhay ko ay siya lang ang tanging ipinagdarasal ko tuwing gabi na mapukaw ko ang pansin nito... Hindi bilang isang kaibigan lang... Kundi isang babae na may potensyal na makasama niya habang buhay... Jacques Marcus King.


Makikita mo sa mukha niya ang kagalakan habang nakangiti itong nakikipag kwentuhan kay Suzane... Si Suzane na parte ng drama club. Si Suzane na laging nakabuntot kay Marcus dahil sa tuwing nakikita ko si Marcus ay laging nasa likod niya ito.


Nasa may labas sila ng gym at dahil kaharapan lang ng library ang gym ay kitang kita ko ang ginagawa nila ngayon kasama ang ilang miyembro ng Drama club at Student Council. Noong unang linggo ng pasukan bilang fourth year ay binoto siya ng mga estudyante bilang President ng Student Council at miyembro pa rin ito ng drama club. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malimit na lang din kami magkita at halos magkamustahan na lang kami sa group chat dahil sa pagiging busy nito, pinili kong doon na lang siya kausapin at hindi na sa personal message upang hindi na niya mahalata na patay na patay ako sakanya.


Magmula nang marinig ko ang hirap sa boses nila Inay at Itay noong umuwi ako galing dinner out pagkatapos kong lumaban sa Archery noong second year kami ay naliwanagan ako na may mas importante pa akong dapat pagtuonan ng pansin. Itinatak ko sa isip ko na ang mga magulang ay iisa lang, mabubuhay naman ako kahit na hindi ako mapansin pansin ng crush ko bilang isang babae, mas maganda nga iyon, dahil hindi pa ako nabubuko sa sikreto ko at tiyak na mas mahihirapan akong pakisamahan siya kung nalaman niya ang totoong nararamdaman ko para sakanya atlis ngayon back to normal na lang, kahit mahirap pero kakayanin.


Last year ay natanggap ako bilang librarian sa SCU at bilang assistant student ni Sir. Baltazar. Napaangat ang gilid ng labi ko nang maalala ko ang araw na matanggap ako kay Sir dahil ang buong akala ko ay hindi ako matatanggap dahil isa si Sir sa mga pinakaiiwasan ko noong freshman ako pero ayon kay Pres ay si Sir lang ang tanging naghahanap ng assistant ng panahon na 'yun kaya sakanya ako nag lakas loob na mag apply, pero mali ang akala ko, dahil agad niya akong tinanggap at hindi naman pala siya ganoon ka strikto dahil sa tuwing may pinapagawa siya ay para lamang akong nakikipag kwentuhan kay Itay at defense mechanism niya lang daw ang pagiging strikto nito, upang mag seryoso ang mga estudyante niya at hanggang ngayon ay sa tuwing kailangan niya ng katulong sa pag co-compute ng mga grades ay ako ang madalas niyang kontakin.


Tuluyan na akong napaiwas ng tingin sa dalawang pigura ng taong halos maglapit na ang mga mukha dahil sa pagbubulungan. Ginusto mo yan, Irene. Pinili mong kalimutan ang nararamdaman mo at lumayo kay Marcus, kaya wala kang karapatan na mag inarte ngayon na parang nasasaktan dahil unang una ikaw ang mismong umiiwas sa kanya. Napailing ako at tuluyan ng bumalik sa station ko. Sa ngayon ay may pamilya ako na kailangan tulungan at kailangan kong tuparin ang pangarap ko.


Habang kinakandado ang library ay may narinig akong tumikhim mula sa likod ko.


Twilight PromisesWhere stories live. Discover now