19

9 2 0
                                    




"Una na ako, Irene. Ingat ka."


"Sige, Ems. Ikaw din." Nakangiting saad ko pero bago tuluyang lumabas si Emery sa pinto ay huminto ito at tinignan ako ng seryoso.


"Girl. Alam kong matatag ka pero kung may problema ka nandito lang kami nila pres, ha?" I was stunned because of what she's said.


I know that I am really good at hiding my own feelings, kaya lubos ang pagkabigla ko nang sabihan ako ni Ems kanina about sa problema ko, nakaalis na siya pero hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa lugar kung saan ko siya huling nakita.


Ganitong ganito rin ang nakikita ko sa mga mata nila Sab sa tuwing sumasama ako sakanila kapag natitiyempuhan kong hindi nila kasama si Marcus. Alam ko rin na marami na silang nakaabang na tanong sa akin kung bakit lately ay hindi na kami masyadong nagpapansinan ni Marcus, pero ang pinaka alam ko sa lahat ay kasalanan ko ang lahat ng itong nangyayari sa akin.


Ang ingay mula sa cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad kaya mabilis ko itong tinignan kung sino ang nag text, baka kasi si Inay at may iuutos sa akin pero halos mapapikit ako ng chat ni Sab ang nabuksan ko, huli na para hindi makapag reply dahil naka mentioned na ako sa anyaya niyang kumain saglit kay Mang Pido.


Nag reply ako ng 'Papunta na.' dahil sunod sunod ang reply nila na pumunta raw ako ngayon maliban kay Marcus, well kahit siguro ako ay hindi na rin mag rereply pagkatapos ng huli naming pag uusap sa school ni Rochelle. Bandang huli ay binalewala ko na lamang ang agam agam na namumuo sa isip ko. Tutal ay sanay naman na akong magkunwari, edi isagad na natin ngayon.


Halos takip silim na nang makadating ako sa tindahan ni Mang Pido, ito ang madalas na takbuhan ng mga estudyante sa SCU kapag umay na ang mga karamihang estudyante sa mga mamahalin na pagkain sa campus at isa na ako doon. Siguradong babalik balikan ko ang puwesto ni Mang Pido kapag nakagraduate na ako, hindi rin nakaligtas sa isip ko ang posibilidad na tiyak na kasama ko si Marcus kung ayos lang sana ang sa amin pero sino ang niloko ko dahil kung ako ang nasa pwesto niya ay una pa lang ay aayaw na ako.


Nang makadating ako sa bungad ng kanto kung saan kitang kita ko ang mga taong naging dahilan kung bakit naging makabuluhan ang buong apat na taon ng kolehiyo ko, ang mga boses ng mga taong naging kasama ko sa mga kalokohan pero huling taon na lang ay papalpak pa ata ako dahil sa pagiging makasarili ko dahil sa nararamdaman ko kay Marcus.


Kumpleto sila, kahit si Trevor na noong nakaraan ay madalang na nakikipag kita sa amin dahil busy sa acads na himalang katabi niya si Jhudielle pero awtomatikong napaangat ang isang kilay ko nang mapansing kong may nakaupo na sa madalas na inuupuan ko at tama nga ako dahil may isang asungot na nakasama, ang akala ko ba ay barkada lang? pero bakit may others? Charot, ngayon pa ba ako mag iinarte eh nitong mga nakaraang buwan ay halos hindi ko na sila makita dahil sa pag iwas ko at si Suzane ang lagi nilang nakakasama dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil kahit sa huling sandali ay naisipan pa nila na isama ako.


Tahimik na naglakad ako sa papasok sa may tolda ni Mang Pido ang style ng munting tindahan niya ay yung parang napapanood ko sa koreanovela na maliit na inuman sa tabi ng daan na may toldang kulay berde ang kaibahan nga lang ay kay Mang Pido ay kulay asul na madalas gamitin sa beach.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now