6

10 4 0
                                    




Habang tumatakbo ay dala dala ko ang mga paper works na ginawa ko kagabi dahil ngayon na ang submission ayon kay Sir. Baltazar. Halos hingalin na ako sa pagod kakatakbo huwag 'lang akong ma late ngayon dahil may pagka masungit pa naman ang professor ko, nakakahiya 'kung mapapagalitan ako sa harap ng klase. 


Hindi ko maiwasan ang mapaikot ng mga mata dahil anong oras na 'rin ako nakatulog kagabi para matapos lang ang research ko, pasalamat na lang talaga ako at naisipan akong gisingin ni Inay kanina at syempre nakarinig muna ako ng sermon na kesyo baka ma late daw ako ngayon. Oh well, mother knows best talaga. Natapos ko na 'rin ang unang taon sa kolehiyo at nasa pangalawang taon na ako, dalawang taon na lang ay matutupad na ang pangarap namin ni Itay. Yes!


Saktong pagliko ko mula sa pasilyo ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakasalampak sa sahig dahil sa nakabungguan ko. Nakanganga ko na lamang tinignan ang mga pinagpuyatan 'kong activity habang nahuhulog ang mga papel sa sahig dahil nabitawan ko ang mga ito.



"Shit. I'm so sorry, miss. Are you okay?" Agad na tanong ng nakabungguan ko. Mabilis 'kong pinulot ang mga papers na na sahig. Daglian 'kong sinipat ang orasan ko. Shocks, Kailangan 'ko nang magmadali dahil late na ako!


"Okay 'lang sige. Mauuna na ako." Dahil sa pagmamadali ay hindi 'ko na nabigyan ng pansin ang taong nakabungguan ko at mabilis na naglakad pagkakuha ko ng mga papel.


"Miss wait!" Sigaw ng lalake. Winagayway 'ko lang ang kamay ko tanda ng pamamaalam. Wala na akong oras makipag chismisan!


Pagkadating 'ko sa pintuan ng room 'ko ay huminga muna ako ng malalim dahil naririnig 'ko na ang discussion ni Sir. Baltazar. Napakagat tuloy ako sa labi dahil sa kaba paniguradong mapapagalitan ako nito. Nang handa na akong pihitin ang pinto ay may biglang nagsalita sa likod ko na siyang nagpagulat sa akin.


"Miss hindi ka pa ba papasok?" Tanong niya at ganun na lang ang gulat ko na ang lalakeng nakabungguan ko ay ang lalakeng nasa tabi 'ko ngayon base na 'rin sa boses niya.


"P-pasok na." Saad ko at ito na ang kusang nagbukas ng pinto. Napapikit na lang ako sa kaba dahil nang bumukas ang pinto ay katahimikan ang sumalubong sa amin.


"Bakit ngayon lang kayo?" Masungit na tanong ni Sir. Baltazar. Mabilis akong binalingan ng lalakeng nasa tabi ko. Kumurap kurap ako ng wala akong mahanap na sagot.


"A-ah ano kasi S-sir." Putol putol na sabi ko. Shocks, nakakahiya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung hindi ko lamang nakabangga itong lalaki na 'to eh di sana ay hindi ako male-late. Mabilis 'kong tinignan ng masama ang lalaking nasa tabi 'ko nang marinig 'ko itong natawa. May gana pa siyang tumawa ngayon!?


Tumikhim muna ito bago sumagot kaya nabaling sakanya ang tingin ni Sir. "I'm sorry Sir if we are late. I got lost and the lady beside me guided me going here. Hindi na ho mauulit." He politely said. Did he jus lie just to save my ass?


"Who are you?" Mr. Baltazar asked.


Twilight PromisesWhere stories live. Discover now