10

12 4 0
                                    



Ingay ang sumalubong sa akin mula sa mga masasayang estudyante na sinusulit ang kanilang lunch break, mula sa nakakapagod na morning classes. Tulad nila ay ako 'rin nasisiyahan dahil isa sa mga paborito 'kong subject ay ang lunch maliban sa break.


Charot lang.

Abot tainga ang ngiti 'ko habang naglalakad papunta sa gawi nila Marcus, habang hawak hawak ang lunch box na may lamang chop seuy. I know that I'm suck at cooking, kaya nga hindi ako pinapalapit ni Inay sa kusina kapag nagluluto siya at hanggang taga hiwa 'lang ako, pero wala naman masama ang sumubok diba? Gusto 'kong makita ni Marcus na may mga bagay 'rin ako na kayang gawin bukod sa pagiging maganda. Charot 'lang ulit.


Anyway, I really tried my best para 'lang hindi mahalata ni Inay na si Marcus ang pinagluluto 'ko kanina, at naka ilang banggit pa ako ng pangalan ni Sab para kunwari ay si Sab ang pinagluluto ko at hindi ang mahal na hari. Feeling 'ko naman ay naniwala si Inay dahil hindi na siya nag usisa pa.


Nang papalapit na ako sa puwesto nila ay daglian na kumunot ang noo 'ko nang makita 'ko ang upuan na madalas 'kong upuan ay occupied na. Pero tuluyan na akong napahinto nang makita 'kong hindi 'ko kakilala ang babaeng naka upo sa upuan na katabi ni Marcus, habang masaya silang nagtatawanan. I looked at Marcus.


I think hindi na niya makakain ang niluto 'ko dahil nang tignan 'ko ang plato niya, ay halos paubos na niya ang pagkain habang nakangiting may ibinubulong sa babaeng katabi nito. Nakatalikod sila sa akin kaya ang mahabang buhok 'lang ng babae ang nakikita 'ko. Sa buhok pa 'lang ay halata 'mo na hindi ito pumapalya para magpa salon, hindi katulad 'ko na conditioner 'lang ang gamit.


Sa unang pagkakataon ay nakita 'ko 'kung paano kaganda ngumiti ang isang King Marcus na hindi ako ang dahilan.


I looked at them. They're all smiling at parang ang saya saya ng topic na pinag uusapan nila. I can't help but to feel like I'm an outcast now.


My eyes widened when Siena noticed me, mabilis akong umiling nang bigla na sanang niyang itataas ang kaliwang kamay nito, napakunot 'lang siya ng noo at sinenyasan akong lumapit sa kanila pero hindi ako sumunod dahil unang una ay saan pa ako uupo, pang animan 'lang ang upuan na napili nila. Pangalawa, ayaw 'kong pagkatiwalaan ang emosyon na nararamdaman 'ko ngayon.


Lastly, for the first time I felt this foreign emotion.


Nang balingan 'ko si Marcus ay nakangiti pa 'rin ito, masyado 'bang masarap ang ulam niya ngayon at masyadong siyang masaya? Sana ay mabusog siya ng sobra kung ganon.


Madalas 'ko naman siyang makita na nakikipag usap sa ibang babae pero iba ang ngiti niya ngayon. His eyes are sparkling. I can tell that he's really happy and I refuse to know what's the reason why he is so freakin' happy right now.


I guess, it's just me and my chop seuy today. Okay 'lang may dala naman akong pagkain at ipinagpapasalamat 'ko na pwede kumain sa room, thanks to goldilocks.


Hindi 'ko akalain na ma a-appreciate 'ko ang pagiging mahiyain at ang pagiging loner 'ko just like when I was in high school today.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now