39

11 0 0
                                    




"Okay, class. Don't forget your homeworks. We'll check that tomorrow."


"Thank you, ma'am. See you tomorrow." Isa-isang nagpaalam ang mga estudyante ko sa akin at magiliw ko naman silang nginitian habang inaayos ko ang mga gamit ko sa may table.


It was really fun today at mabuti na lang talaga ay likas na mababait ang mga estudyante sa SCU kaya hindi ako nahirapan na mag adjust sa mga bago kong estudyante. The King's are really good in managing their school at halata naman ang achievements ng school dahil sa mga estudyante at mga guro na nandito. It's quality over quantity.


Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako deserving na magturo sa SCU dahil ang gagaling ng mga tao rito, mapa-estudyante man o guro lahat ay walang patapon. Napabuntong hininga tuloy ako dahil sa mga naiisip ko. Aminado naman ako na dahil sa recommendation ni Tita Janeth kaya lang naman ako nakapasok rito. 


Tita surely pulled a string para lang makumbinsi ang mga investors na makapag turo ako sa school nila kaya ito rin ang rason kung bakit mas pinili ko na lamang na manatili sa mga rooms ngayong araw dahil nahihiya akong humarap sa mga kapwa ko guro. Dagdagan pa nitong mahal na hari na walang ibang ginawa kung hindi ang bisitahin ako sa bawat rooms na pinagtuturuan ko, baka may masabi pa ang mga nakakakita lalo na at anak pa naman siya ng may ari sa school.


Ayaw ko lang ng aberya at gusto ko lamang tapusin ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang alok ni Tita Janeth ng walang masyadong pinoproblema. Trabaho. Iyon lang at wala ng iba. At isa pa, pagkatapos ng nangyari sa akin, sa amin ng pamilya ko ay tanga na lamang ako para magpadala sa mga pinapahiwatig sa akin ni Marcus these past few days. Kailangan kong makausap si Marcus about din doon, dahil hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya sa akin dahil wala naman siyang mapapala at bilang kaibigan, ay nais kong magkalinawan kami sa parteng iyon para sa kanya dahil ayokong paasahin siya sa bagay na wala namang kasigaraduhan.


Tama naman ang ginagawa ko diba? Tama lang naman ang ginagawa kong pag iwas sa mga bagay na alam kong masasaktan lang ako sa huli. Ang sakit kaya ang maiwan sa ere ng taong inaasahan mong sasalo sayo. Masakit. Nakakalunod ang ganoong pakiramdam at ang pakiramdam ng wala kang makapitan. I want to save Marcus from that situation.


I guess.



"Hoy, panget. Tara na."


There he is. Ang namumukod tanging lalaki na tumatawag sa akin ng panget sa buong buhay ko. Ano pa ang silbi ng mga genes na na-mana ko sa mga magulang ko kung itong lalaking to ay tatawagin lang naman akong pangit. I stared at him for a minute before I gathered my things up. 


Mas maganda nang mag focus na lang ako sa trabaho ko kaysa pag tuonan ang mahal na hari. Sa trabaho ay may mapapala pa ako pero sa lalaking ito? Puro sakit sa puso lang naman ang dinanas ko sakanya! Joke. Kidding aside, I really need to talk to him.


Dinaanan ko lamang siya at nag dere-deretso na upang pumunta na sa mansion nila. I wonder if Jonas is waiting for me. Napangiti naman ako dahil doon. Tiyak na isang Jonas na naka ngiti na naman ang madadatnan ko dahil nang sinabi kong tinanggap ko ang alok ng mommy niya noong nakaraan ay halos umiyak ito dahil sa tuwa.

Twilight PromisesOnde histórias criam vida. Descubra agora