21

6 1 0
                                    




I was stunned. Mali, kulang ang salitang gulat nang marinig ko ang mga binigkas ni Marcus kanina. Nakaalis na siya pero heto ako tila estatwa pa rin dahil sa gulat sa labas ng bahay namin dahil sa mga pinagsasabi ni Marcus. Bago siya umalis ay sinabihan niya akong susunduin kami ng family driver nila pagkatapos ng graduation niya bukas para sabay sabay kaming bumyahe papuntang Zambales dahil yun ang nakapag sunduan daw nila Itay at Tito Miguel.


Nag dere-deretso ako papunta sa kwarto dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Agad kong isinira ang pinto at mabilis na inubsob ang mukha ko sa paborito kong unan at impit na sumigaw dahil sa halo halong nararamdaman ko. Una, totoo ba ang lahat ng 'yun? Maybe, dapat kong linawin ang mga sinabi niya para mas clear sa akin at isa pa baka joke time niya lang pala ang lahat ng 'yon diba? Pangalawa, ready na ba ako if ever totoo man? Am I emotionally and menatally stable? I don't know. I haven't experienced this before.


Ang dami mong arte Irene, umamin na nga sa harap mo saka kapa aarte ng ganyan.


Nakatulugan ko na lamang kagabi ang pag iisip sa mga bagay na maaring mangyari sa mga susunod na araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Iba talaga magpayanig ng mundo si Marcus. Napailing ako habang may mga ngiti sa labi. Nang makuha ko ang tuwalya para maghilamos ay siya naman ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong chineck baka kasi si pres yung nag text para iremind kami sa mga habol naming mga requirements. In two weeks, officially graduate na kami but the moment I read the text, it automatically put a smile on my face. Ang gandang bungad naman ng text niya para sa umaga na 'to. I love my life!


From: Mahal na hari


Good morning, panget ko. Nakatulog kaba kagabi? Ako kasi hindi eh, di mawala sa isip ko yung panget mong mukha. Hahaha! I'll see you at school later. Take care, mwa.


Napatawa na lang ako ng mahina kahit puro pang iinsulto lang ang lamang ng text niya. Agad ko naman nireplyan ang loko.


To: Mahal na hari

Walang good sa morning kung ikaw ang bungad. I'm busy today. Bye.


Hanggang sa ma-sent ang message ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil umagang umaga ay ang galing magpakilig ng mahal na hari. Nang bumukas ang pintuan ay mabilis akong napatingin ditto habang nakangiti pa rin. Naging mahaba ang pagtitinginan namin ni Rochele at nagulat na lamang ako ng bigla itong sumigaw.


"Nay! Tay! Si ate may boyfriend na!"


Ay bwisit talaga! Kaya naman mabilis kong hinila ang buhok niya upang takpan ang bibig nitong walang preno.


"Huwag ka ngang maingay!" Sita ko habang siya ay nagpupumiglas. "Ouch!" Daing ko nang bigla nitong kinagat ang daliri ko.


"Sino boyfriend mo ate, huh? Gwapo ba?" Naman.


Nagkunwari muna akong inaayos ang mga damit na susuotin ko upang itago ang munting ngiti na kanina pa kumakawala nang mabasa ko ang mensahe niya.


Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon