36

15 0 0
                                    



Binigyan ako ni Tita Janeth ng isang linggo upang makapaghanda at makapag resign sa RMES, dahil alam niya rin kung papaano ang process sa pagreresign bilang isang teacher. Ang mga estudyante ko ay isa sa mga nabigla at nalungkot nang inanunsyo ko sa klase ang pag resign ko pero sinabi ko sakanila na kung magkakaroon ako ng pagkakataon na bumisita sa RMES ay gagawin ko lalo na at nasa Pangasinan pa naman sila Inay at Ivy, habang si Rochele ay sinabihan ko na ang gagawin niyang pag transfer sa SCU at mismong si Tita Janeth pa ang nag asikaso nito sa SCU kaya hindi na masyadong hassle pa sa akin.



Ang tanging pinaghahandaan ko na lamang ay kun g paano ko itatago kay Inay ang naging desisyon ko, si Rochele ay nasabihan ko na rin nung natyempuhan ko siyang hindi nag aaral, noong una ay ayaw niya pang tanggapin ang alok ni Tita dahil ako lang din daw ang mahihirapan, pero ipinaintindi ko sakanya na ako na ang bahala kay Inay kaya bandang huli ay tinanggap niya rin ito, masaya ako dahil nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya na maipagpapatuloy na niya ang pag aaral niya ng wala ng iniisip kung paano namin kukuhanin ang pang bayad niya ng matrikula. 



Bago ako umuwi noong nagpunta ako sa mansion nila Tita Janeth ay dumaan muna kami ni Marcus sa may SM Clark upang bilhan si Ivy ng mga laruan, syempre papaiwan ba ang mahal na hari? Hindi. Mabuti na lamang ay kasama namin si Jonas. Si Sab at Siena ay hindi na sumama dahil may gagawin pa raw sila. Aligaga nga silang umalis noon pagkatapos ng mananghalian.


"Inay, uuwi po ako kapag walang pasok..." Paalam ko kay Inay habang naghuhugas ito ng mga plato. Habang ako naman ay nasa gilid niya.


Kita sa mukha ni Inay na nabigla pa rin ito sa paglipat ko sa Pampanga. Nang wala akong nakitang sagot sakanya ay yumakap na ako sa likod niya. Kahit sabihin pa na malapit lang ang Pampanga sa Pangasinan ay mami-miss ko pa rin siya at si Ivy.


"Inay..." Nakalabing saad ko. Tumigil si Inay sa paghugas ng mga pinggan at humarap siya sa akin gamit ang nangungusap niyang mga mata.


"Anak, kailangan ba talagang lumipat ka pa sa Pampanga? Hindi ba pwedeng dito ka nalang magturo?" Sunod sunod niyang tanong habang pinupunasan ang mga kamay nito.


Nang marinig ko ang mga tanong niya ay hindi ko maiwasang tumalikod dahil alam kong mababasa niya sa mga mata ko ang mga kasinungalingan ko, hindi ko kayang magsinungaling sakanya pero kailangan lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


"Wala naman po akong magagawa Inay dahil mismong school director na ang nagsabi sa akin." Labas sa ilong kong sabi. Pwede na akong palakpakan dahil nasabi ko sakanya ito ng hindi nabubulol. Narinig kong bumuntong hininga si Inay at lumapit sa akin.


"Ano pa ba ang magagawa ko, anak. Mag iingat ka roon, ha? Umuwi ka rito kapag pagod kana." Bilin sa akin ni Inay habang hawak niya ang kaliwang palad ko. Wala pa man ay parang gusto ko ng maluha. Mami-miss ko siya, si Ivy. Mamimiss ko ang mga luto niya araw araw at yung katarayan ni Ivy tuwing umaga.


"Oo naman, Inay. Ako pa ba malulungkot?" Garalgal ang boses ko nang sabihin ko iyon.


Twilight PromisesWhere stories live. Discover now