8

15 3 0
                                    




Araw ng sabado. Ang isa sa mga paborito 'kong araw bukod sa biyernes kasi walang pasok at araw ng pahinga, kaya naman daglian akong lumabas ng kwarto 'ko upang magdilig ng mga halaman ni Inay sa munting hardin namin sa harap ng bahay. De joke, ayaw 'ko 'lang talagang mapagalitan ni Inay kasi nagabihan na kami ng uwi nila Marcus kagabi, dahil nag aya pa si Sab na maglibot dahil biyernes at wala naman 'daw pasok kinabukasan, iwas pagalitan 'din ito.


Kaya heto ako ngayon nag papagood shot kay Inay, nakakatakot pa naman si Inay kapag nagagalit kaya nga pati si Itay ay taob 'din sakanya kapag ipinagtatanggol niya kami kapag napapagalitan kami ni Rochelle. Pero alam 'ko naman na nag aalala 'lang siya sa amin at ayaw niya kami mapahamak . Inay is actually soft and she just has this strong façade to hide her true emotion.


Nang makalabas ako ng bahay ay nadatnan 'ko si Rochelle na nakaupo sa terrace at gumagawa ng assignments. Sa amin dalawa ay siya ang tinututukan ni Inay sa pag aaral dahil medyo may kahinahan ito sa academics pero hindi 'nun nabawasan ang kakulitan niya. Nang makita niya ako ay tumayo ito at lumapit sa akin.


"Good morning, ate!" Panimulang bati niya habang parang may itinatago base na 'rin sa pagkalagay ng dalawang kamay niya sa likod nito.


"Good morning kulet, anong kailangan mo?" I crossed my arms at kunwaring seryoso.


"Wala naman. Ang ganda mo ata ngayon ate? Nag almusal kana?" Ungot niya.


Tinaasan 'ko siya ng kilay sa tanong niya and ano daw? Maganda ako? Confirmed, may kailangan nga itong batang 'to sa akin. She doesn't praise me for nothing.


"Ngayon 'lang? Matagal na akong maganda Rochelle." Seryosong sabi 'ko kunwari at tumalikod na sakanya upang kunin ang garden hose para diligan na ang mga natutuyong halaman ni Inay.


Narinig 'ko siyang parang nasusuka kaya naman napabaling ako sakanya. Nginitian niya naman ako ng peke at lumapit na sa akin.


"Oo na ate, ikaw na ang maganda. Pa tulong naman ako dito oh." Tugon niya at inilabas na ang itinatago sa likod nito, papel pala 'yon. Napaikot na 'lang ako ng mga mata, kaya naman pala ang bait ng ihip ng hangin ngayon dahil may gustong magpa tulong.


"Ang dami mo pang hanash hindi naman pala kagandahan 'ko ang pakay mo. Sabihin mo muna please." Biro ko at hindi nakaligtas sa akin ang pangangasim ang mukha niya dahil sa sinabi 'ko.


"Eww ka ate. Diyan ka na nga!" Biglang bawi niya kaya natawa ako. Pikon talaga 'to kahit kailan, manang mana siya kay Inay.


"Ito naman hindi na mabiro. Ano ba iyan?" Saad ko at sinundan siya.


Nang kuhanin 'ko ang papel na hawak niya kanina ay hindi na ako nagtaka 'kung bakit kailangan niya ang tulong ko, isa sa mga weaknesses niyang subject ay ang English kaya umupo na ako sa tabi niya at sinimulan siyang turuan.  Actually, fast learner itong si Rochelle, ang kaso mabilis siyang nadidistract sa paligid niya, tulad na lang ngayon dahil parang ako na 'rin ang sumagot sa assignment niya about subject verb agreement, habang siya ay busy na nanonood ng kung ano sa cellphone, kaya naman napabalikwas siya nang inagaw ko ang cellphone niya sakanya.

Twilight PromisesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ