18

17 2 0
                                    



"Thank you po, Sir. Malaking tulong ho ito sa amin lalo na sa kapatid ko." Halos yakapin ko na si Sir Baltazar nang iabot niya sa akin ang sweldo ko at nang sabihin niyang may dagdag ang ibinayad niya sa akin.


Humalakhak si Sir Baltazar, "Ikaw na bata ka. Walang anuman, pinagpaguran mo iyan. Basta isa lang ang tanging payo ko sayo," he stopped.


"Ang mag aral ng mabuti." As we said in unison at doon tuluyan na kaming napahalakhak.


"Alam kong malayo ang mararating mo. Mag iingat ka." Tumango at ngumiti bilang sagot.


Uwian na at pinatawag ako ni Sir para sa sahod ko at kanina naman tanghali ay ibinigay din ang sahod ko bilang isang assistan ni Ma'am Che sa library, kaya naman labis labis ang galak ko dahil sa wakas ay mababayaran ko na ang tuition fee ni Rochelle gamit ang sahod ko ngayon at ang sarili kong allowance. Nakakapagod pero nakakataba ng puso kapag nakikita ko si Rochelle na nakapag aaral ng komportable at walang pinoproblema, gusto ko maranasan ni Rochelle ang naranasan ko noon nung nasa ganoong edad niya ako ang mamuhay base sa edad niya.


Halos lakad at takbo na ang ginawa ko upang marating lang ang entrance ng SCU at makasakay ng trike papunta sa school ni Rochele pero kung kailan talaga nagmamadali ka ay saka naman lumalabas ang balakid sa daraanan mo. Habang papalabas ay namataan ko na si Marcus na prente itong nakasandal sa hood ng kotse nito, huli na para makaliko ako dahil kitang kita ng dalawang mga mata niya ang pagmamadali ko kaya, binagalan ko ang lakad ko nang sakto ang pagtayo nito.



"Saan ka pupunta?" He curiously asked.


"Sa school ni Rochelle." Simpleng saad ko.


"Tara. Hatid na kita—"


"Hindi na. May dadaanan pa kasi ako katapos ko sa school ni Rochelle." Agad kong pigil sa alok niya.


"No, it's okay. I insist—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang putulin ko uli ito.


"It's really okay. Sige ingat ka, Marcus." Nagmamadali kong saad at mabilis na tumalikod ulit palayo sakanya... Palayo sa mahal na hari... Palayo sa taong kailanman ay hindi mapapasa akin...


Maybe some will say na I am rude and that I am not thinking properly but for me this is the only option that I have because I need to do it, I have to do it. Itong pag iwas ko sakanya ang tanging nakikita kong paraan upang magpatuloy sa buhay dahil wala akong choice kundi ang magpatuloy at umusad para sa pamilya ko, para sa amin. We are not damn rich para pagtuonan pa ng pansin ang nararamdaman ko para sakanya, wala na akong oras para pag aksayahan pa ng oras ang bagay na wala namang kasigaraduhan.




"The total amount is $8300." Anunsyo ng kahera sa akin pagkatapos niyang tanungin ang buong pangalan ni Rochelle.


Inilabas ko ang wallet ko at ang dalawang sobre na sahod ko ngayon upang bayaran na ang tuition fee ni Rochelle, narinig ko pa nga ang pag tikhim ng taong nasa likod dahil nakita niyang tig bebente at sikwenta ang binibililang ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagbibilang upang umusad na ang pilia, nang ibigay ko ito sa kahera ay nakito kong umismid ito at bumulong.

Twilight PromisesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt