30

18 2 0
                                    




"Okay class. Any questions?" Tanong ko sa aking mga estudyante. Friday na at halata sa mga mukha nila na excited na sila sa darating na weekend. Pahinga na kasi nila, habang kaming mga guro ay hindi pwedeng magpahinga dahil marami kaming kailangan tapusin na mga lessonly. Isa ito sa mga inasahan kong mga trabaho magmula nang makapasa ako sa LET five years ago.



Five years ago na pala ang nakakalipas magmula nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay namin. Five years na rin pala naming hindi nakakasama si Itay. Sinong mag aakala na kakayanin namin na magpatuloy ng wala si Itay? Life is really unpredictable. Maybe now it feels like you can't survive where in reality there's really no choice other than to continue what's left behind. Iniisip ko na lang na andiyan lang si Itay sa amin at hindi siya umalis at akalain mong limang taon na pala ang nakakalipas magmula nang marinig ko ang mga walang kwenta niyang mga pangako.



Ipinilig ko na lang ang ulo ko upang hindi ko na maalala ang lalaking iyon, dahil nasisira lang ang araw ko sa tuwing naiisip ko ang mga walang kwentang mga pangako niya sa akin. Paasa talaga!



Heto pa ang nakakainis sa tuwing nagkakasama kami nila Sab at Siena ay walang tigil ang update niya sa akin sa lalaking iyon, akala mo naman may pakialam ako? Pake ko naman kung siya na ang CEO ng King's company. Pake ko naman kung nuknukan na siya na raw siya ng gwapo ngayon? Paasa naman! At ano na naman ang pake ko kung engage na siya roon sa pusang galang Suzanne na yon!? Magsama silang pangit! Parehas silang walang kwenta!


"Luh, Tin. Wag ka na lang kaya magtanong. Tignan mo si Ma'am parang mangangain na ng buhay sa higpit ng hawak niya sa chalk." Rinig kong sabi ng isa kong estudyante na sa may bandang unahan, kaya naman mabilis ko silang tinignan at parehas pa nanlaki ang mga mata nila nang makasalubong ang mga kilay kong tinignan sila.


"Shet. Nakakatakot talaga tumingin si ma'am para akong maiihi sa lamig ng tingin niya." Rinig kong sabi ni Tin.


"Kung magbubulungan kayo about sa akin. Sana hindi yung naririnig ko. Ano nga tanong mo?" Saad ko sabay taas ko ng kilay sakanya habang hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha ko.


Sabay na umiling ang dalawa marahil ay natakot sa akin. Akala mo naman kakainin ko sila ng buhay! Pinaikutan ko na lamang sila ng mga mata at parang hindi pa nasanay sa akin samantalang araw araw ko naman silang sinusungitan.


"Hoy! Ang pabebe niyo namang dalawa mga yawa kayo!" Sigaw ng isa sa mga estudyanteng lalaking nasa may bandang likod.


"Oo nga. Kapangit niyo lang naman! Talampakan lang kayo ni ma'am!" Dugtong naman nung lalakeng katabi nung nagsalita kanina.


Pinagmamasdan ko lamang sila habang nagbibiruan. Ganito na ang routine namin bago matapos ang klase. Last class na kasi nila ako ngayong araw at uwian na rin kaya naman hinahayaan ko lamang silang magkulitan. Ito na rin yung pinaka bonding namin.


"Shut up, Carl! Ang pangit mo mukhang kang duhat!" Sabay sigaw namn ni Leyla na katabi ni Tin kanina at bineletan si Carl dahil sa sinabi nito sa kanila. Pagkatapos naman ng batuhan nila ng mga salita ay siya namang sabi ng "AaaAyiIEee" ng buong klase.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now