5

17 4 0
                                    


Authors note: You can play the video above for your imagination. Charot. :D Enjoy! ;>

--


Maraming mga studyante ang naunang nag perform bago ako, hindi pala biro ang ganitong pakiramdam lalo na at hindi naman ako sanay na humarap sa maraming mga tao. Nakaka intimidate ang mga ibinibigay na performance ng mga gustong mapasali sa music club. Lahat sila ay halata mo na pinaghandaan nila ang araw na ito pero bago 'yun ay may narinig muna akong sinabi ng isang estudyante na tiyak daw na makakapasok agad ako kahit hindi na daw ako mag perform dahil sa ginawa ni Marcus kanina. 


Like hello? Eh hindi ko nga alam na nandito ang mahal na hari, nang tignan ko ang nagsabi 'nun ay mabilis niya lang ako pinaikutan ng mga mata. Ts, hindi ko kailangan ng kahit anong suhol para makasali ako sa music club. Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ng kapwa ko freshman marahil tulad ko ay kinakabahan 'din siya ngayon. 


Second to the last ako sa mag pe-perform at ramdam na ramdam ko na ang butil butil na pawis sa noo ko. Bali ang pwesto ng mga magpe-perform eh nasa harap mismo ng classroom at nakaharap sa akin ang mga seniors na parang mga judges, at nasa likod naman ang mga ibang estudyante na nais manood kasama na sila Marcus 'doon.


Nang matapos na ang freshman na kasunod ako ay mabilis akong napapikit dahil sa nerbyos. Lord, hindi ko muna kailangan ng nerbyos ngayon, kailangan ko ng maraming lakas ng loob. I need this performance. Kailangan 'kong mapahanga ang mahal na hari, kailangan 'kong makita niya na hindi 'lang ako pang best friend lang. I can be his girl and in order for him to see that, kailangan 'kong pumasok sa mundo niya.

Saktong pag dilat ng mga mata 'ko ay nakatingin na sa akin si Marcus mula sa kumpol ng mga estudyante at seryoso niya akong tinitignan gamit ang seryoso niyang mga mata. I know that after this performance something will definitely change and that is my first step. I need to break this curse chain. The best friend chain.


Marcus mouthed something and I easily got what he said. Fighting, he said, yes I will fight my feelings for you, mahal na hari. Mabilis lang akong tumango bilang sagot at handa na para sa performance ko.


"Next, Idahlia Renee Torres Bernado." Anunsyo ng isang babaeng senior base na 'rin sa suot nitong ID na itim at blue naman sa amin bilang freshmen.


Huminga muna ako ng malalim at binalingan ang mga kaibigan ko. Sab cheered loudly kaya sinita siya ng mga senior. I smiled. Habang si Siena naman ay tinaasan lang ako ng kilay at kumindat, grabe talaga 'tong babae na 'to ramdam na ramdam ko ang pagiging supportive niya. Habang sila Lander at Xander naman ay abala sa pakikipag kwentuhan sa mga ibang estudyante. 

Pinili 'kong hindi tignan si Marcus at lumapit na ako sa videoke upang i-insert ang kantang napili ko. I've practiced this song many times these past few weeks. Siena knows kung kanino ko idine-dedicate ang kantang ito, nagulat pa nga ako na alam na niya agad ang pag hanga ko kay Marcus dahil wala pa naman ako sinasabi sakanya kahit ano at sinabi niya lang na masyado daw akong halata sa feelings ko at bulag 'lang daw ang hindi makakita. I wonder if Marcus notices my feelings as well. 


Kung ang iba nga ay nakikita, paano pa kaya siya? Or baka naman he just chooses to ignore it?


Nang magsimula na ang kanta ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin na mas lalo pang nakadagdag sa nerbyos ko. Lord, huwag lang po ako mapahiya ngayon ipinapangako 'kong hindi ko na aasarin si Rochelle at nang queue ko na para sambitin ang unang stanza ay mabilis na hinanap ng mga mata ko ang rason kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. 

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now