7

12 4 0
                                    




Nakasimangot na sinusundan 'ko ang mahal na hari. Pagkatapos niya kasi kaming istorbohin ni Trevor ay umalis na 'lang ito bigla. Humingi na lang ako ng paumanhin kay Trevor at buti na 'lang ay naintindihan nito ang kasungitan ni Marcus. Ang weird 'lang dahil hindi naman siya ganito na masungit kapag nasa harap siya ng ibang tao. Madalas ay naka ngiti ito at nakikipag kwentuhan pa kapag may bago itong kakilala.


"Huyy, wait lang mahal na hari." Habol ko.


"Tss.." Sagot niya at napansin 'kong bumagal ang paglalakad niya hindi na katulad kanina na parang may hinahabol kaya mabilis 'ko 'lang siyang napantayan sa paglalakad.


"Problema mo mahal na hari?"


"Wala. Masarap ba ang ulam mo?" He sarcastically asked.


Tignan mo 'to, kasalanan 'ko bang umalis siya kaagad sa cafeteria at hindi kumain?


"Oo naman mahal na hari. Sobrang busog 'ko nga eh, ang sarap kasi 'nung luto ni Aling Lydia na lenggua." Asar ko kaya naman lalo sumama ang tingin niya sa akin.


"Buti naman kung na busog ka." Yun lang ang sinabi niya at mabilis na itong tumalikod sa akin at napansin 'kong nandito na ako sa harap ng room namin.


Tignan mo 'yun kapag siya ba ang nang aasar eh tinatalikuran ko siya? Tss.


Nang makapasok ako sa classroom ay nag kukwentuhan pa ang mga kaklase ko. Daglian 'kong sinilip ang orasan 'ko at one o'five na pala, buti na 'lang at wala pa ang prof. namin para sa afternoon class. Nang makaupo ako ay mabilis na lumapit sa akin si Emery na parang kinilig.


"Uy Dahlia girl, ano pangalan 'nung new student na cutie na katabi mo kay Sir. Baltazar?" Kinikilig niyang tanong. Ang bilis talaga ng bababeng 'to pag may bagong mukha sa SCU.


Nagkunwari muna akong nag iisip at ngumiti na parang kinikilig 'din.


"Hoy Dahlia girl! Tinatanong 'ko ang pangalan niya hindi 'ko sinabing kiligin ka 'diyan." Inis niyang sabi.


"Trevor Yves Gonzales ang pangalan niya. Happy?" Saad 'ko at inalabas 'ko na ang libro ko para sa afternoon subject. Ito talagang babaeng 'to nag break 'lang sila ng boyfriend niya last summer eh, ang hilig na niyang mangolekta ng mga crush.


"Ang gwapo niya Dahlia girl, pati pangalan ang gwapo 'din." Kinikilig niyang sabi. Napailing na 'lang ako. Hindi 'ko maiwasang isipin na ganun din ako minsan kapag naiisip 'ko si Marcus kapag mag isa na 'lang ako sa kwarto. Shocks, gusto ko na lang mangilabot.


"Puro ka crush! Pahiram naman ako ng notes mo kay Sir. Baltazar oh." Segwey ko. She just made a face.


"Oo na alam 'ko naman na hihiramin mo talaga ang notes ko kaya dinala 'ko na. Oh." Saad niya.


"Thank you, hulog 'ka talaga ng langit, Emery girl." Sabay ngiti 'ko at pinaikutan niya 'lang ako ng mga mata. Isa sa mga gusto 'ko kay Emery ay kahit na maloko siya ay hindi niya pa 'rin pinapabayaan ang pag aaral niya.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now