35

13 1 0
                                    





Saktong mananghalian na nang makadating kami sa mansion nila Marcus. Napag alaman 'kong si Sab pala ang nagsabi kay Marcus na bibisitahin ko si Tita Janeth ngayon upang ipaalam kay Tita Janeth ang desisyon ko sa alok niyang nakakaakit. Alam kong ito naman ang tama dahil naiintindihan ko si Inay kung bakit ayaw niya na maugnay pa kami ulit sa pamilya nila Marcus, marahil ay inaalala lamang niya na baka maaring maulit muli ang nangyari sa pamilya namin dahil sa nangyari kay Itay noon. Hindi ko naman masisisi si Inay dahil may nawala sa kanya at sa amin, kaya doble ang pag iingat niya.


Naiintindihan ko rin naman si Tita Janeth kung bakit naging ganoon na lamang ang nais niyang makapag aral ang bunso niyang anak, mayaman sila at alam kong nais niya rin na mapabuti ang kinabukasan ng anak niya katulad na lamang ni Inay kung paano nila itinaguyod ni Itay ang pag aaral namin, pero kung ako ang tatanungin ay may parte sa akin na gusto kong tanggapin ang alok niya. 


Unang una, ay pabor ito sa akin at kay Rochele dahil hindi na kami mamomroblema kung saan namin kukunin ang pang matrikula nito at panatag akong makakapagtapos siya sa pangarap niyang kurso, pangalawa ay mas matutulungan ko si Inay sa mga gastusin sa bahay at hindi na niya kailangan pang umextra extra sa pagtitinda ng mga kakanin sa bayan, at ang bunso naming kapatid ay mabibili na namin siya ng mga gamit niya at hindi na niya kailangan pang maiinggit sa mga kaklase niya kapag mayroon silang mga bago at magagandang gamit. Halata naman sakanya na naiinggit siya pero itinatago niya lamang iyon sa pagsusungit niya at bilang nakakatandang kapatid ay masakit para sa akin iyon.


Ang ingay nila Sab at Siena ang nangibabaw sa loob ng sasakyan namin habang nagbabyahe kami dahil kami ni Marcus ay hindi na nagkibuan pa at mas gusto ko iyon dahil wala naman akong alam na sasabihin pa, isa lang naman ang dahilan kung bakit ako bibisita sa mansion nila. 


Naunang nakababa ang dalawa dahil wala naman silang mga bitbit maliban sa sarili nila ay mali si Siena ay agad niyang kinuha ang mga pasalubong ko para sakanya, basta talaga sa pagkain ay sigurista! Natatawang napailing na lang ako habang inaayos ang mga pasalubong ko kay Tita Janeth bago ito bitbitin.


"Let me help you." Biglang untag ni Marcus sa tabi ko. Nakakagulat naman! Ang akala ko ay nakababa na ito.


"Wag na magaan lang naman ang mga ito." Simpleng sabi ko pero wala na akong nagawa nang iniisahang binitbit niya ang mga plastic na dala ko sabay baba. Ang dami non!


"Uy, Marcus. Ako na." Pahabol kong sabi pero parang wala itong narinig at nag dirediretso na ito ng lakad. Oh, edi ikaw na! Ikaw na ang bida! Jollibee yarn?





Katulad noong nakaraang magpunta ako rito ay ang mga kasambahay ng mga King ang sumalubong sa amin pero wala na iyong parang security guard na bumati sa akin noon pero hindi ko na lamang pinansin, tulad ng dati ay parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok yung mga gamit nila. Sabagay, anong silbi ng kayamanan mo kung magiging marumi ka rin sa bahay pero halata naman kay Tita Janeth ang pagiging maingat at pagiging malinis sa bahay.



"Oh my, Irene. Buti bumisita ka ulit?" Nakangiting salubong sa akin ni Tita at mabilis ako nitong hinalikan sa pisngi at inakay ako nito papunta sa living room. Ang dalawa hindi ko na nakita kung saan nagpunta pero si Siena ay naririnig kong nasa kusina siya ng mga King. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin sa paligid upang makita ang bunso nitong lalaki, pero walang Jonas na lumabas.

Twilight PromisesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang