42

14 0 0
                                    



Bakit may kirot pa rin sa puso ko pagkatapos kong sabihin ang dahilan ng pagpapa-tigil ko sa nararamdaman niya para sa akin?



Iyan ang mga salitang hindi maalis-alis sa isip ko isang linggo na ang nakalilipas. Isang linggo na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang sakit at pait na dumaan sa mukha ni Marcus pagkatapos ko siyang komprontahin sa nararamdaman niya para sa akin. Bilang isang matalik na kaibigan ay tiwala naman ako sa mga magagandang ipinakita niya sa akin noong mga nakaraang araw. Pero hindi ako tiwala sa nararamdaman niya. Is this the aftermath feeling that I should feel because of what I've said to Marcus? Then, what about my feelings? Are my feelings are invalid?

Or possible... Is this my Karma?

Because of what happened last week I had a hard time focusing on my jobs. I had a hard time tutoring Jonas because of endless thoughts were coming on my mind and because Marcus didn't show up for the whole week. As in the whole week!

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag isip ng mga hindi magagandang bagay. Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa pagitan namin 'nung huli kaming nagkita ay mas matimbang pa rin para sa'kin na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa na kuwento kina Sab at Siena ang nangyari sa pagitan namin ni Marcus. Hindi sa naduduwag ako o ano. Ayaw ko na lamang na dagdagan pa ang mga iniisip nila sa buhay. Alam 'kong may kanya kanya rin silang pinagdadaanan at isa pa, pinasok ko itong sitwasyon na 'to kaya dapat ay mag isa 'ko rin itong solusyonan.

"Are you alright, ate ganda?" Jonas suddenly asked.

Nandito ako ngayon sa mansion nila Marcus. Nang marinig ko ang boses ni Jonas na siyang nagpa-gising sa akin mula sa malalim 'kong pag-iisip, awtomatiko akong napatingin sa relo ko bago ko sinagot ang tanong niya, "oo naman, ayos lang si ate" nakangiti 'kong saad sabay tingin sa pinto ng mansion, umaasang may isang Marcus na papasok ngunit bigo akong napatingin muli sa libro na nasa harap ko.

Is this his way of punishing me because of my decision? Then, he won!

Malapit ng mag alas-otso ngunit wala pa ring Marcus na dumarating. Bawat minuto na lumilipas ay mas dumodoble ang kabang nararamdaman ko. Ng hindi ko na matiis ang kabang nararamdaman ko ay nagpaalam ako kay Jonas para makapag restroom. Nang pumayag ito ay mabilis 'kong dinampot ang cellphone ko at dagliang naglakad papunta sa restroom na malapit sa living room nila.

Pagkapasok ko ay mabilis akong humarap sa salamin, tinitimbang 'kung dapat ko bang tawagan si Marcus upang itanong 'kung nasaan siya at kamustahin ang kalagayan nito. Pero mabilis rin akong pinang-hinaan ng loob lalo na nang maisip 'kong wala akong karapatan na tanungin ang mga iyon sakanya.

Ako pa talaga ang magtatanong? Samantalang ako ang naging dahilan nang pagdaan ng sakit sa mga mata niya noong huli kaming magkita. It's really sucks of being me and it's making me sick.

Kaya sa huli ay lupaypay akong lumabas ng restroom ng mga King upang tapusin na ang pagtuturo ko kay Jonas. At para makauwi na rin. Isang araw na naman ang lumipas. Isang araw na naman ang dumagdag sa pangambang baka may nangyaring hindi maganda kay Marcus.

Nang makapagpaalam na ako kay Jonas ay sunod 'kong tinanong si Ate Fey na isa sa mga kasambahay ng mga Marcus. Halos magkasing edad sila ni Inay kaya hindi ako nahirapan na makipag close sakanya, at tulad ni Inay ay may pinapaaral rin itong mga anak, "ate Fey nakita niyo po ba si Tita Janeth?" tanong ko sakanya habang hawak hawak ko ang mga libro ko.

Mabilis niya akong nilingon nang marinig nito ang boses ko at ngumiti ito ng malawak sa akin na siyang dahilan kaya napangiti rin ako, nang makita ko ang direksyon na tinuturo niya ay mabilis akong nagpasalamat. Bago ito tuluyang lumisan ay naka-ngiting nag thumbs pa ito sa akin. Ate Fey is mute but her condition didn't stop her to work with dignity. Dinaigan pa niya ang mga iba na mas piniling mang-lamang ng kapwa kaysa mag trabaho ng maayos.

Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon