50 part one

11 0 0
                                    

N/A: Many exols and reveluvs can relate :)


-

Today is the seventh death anniversary of itay at dalawang taon na ang nakalipas magmula nang ma-aksidente si Marcus na tuluyang nagpabago sa relasyon namin. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa himlayan ng mga labi ni itay. Napatingin ako ka sa lalaking may hawak ng palad ko nang bahagya nitong pisilin. Nakangiti akong bumaling sakanya. "Bakit?"

He shrugged before he says something that made my heart dance into joy. "That yellow dress looks good on you. Nagpapaganda ka ba para sa akin?" Tanong niya na siyang nagpalaglag ng panga 'ko.

"H-Hindi ah! Bakit pa ako magpapaganda sa'yo? Patay na patay kana sa akin, eh."

Mabilis itong napahalakhak na akala mo'y nakakatawa sa mga sinabi ko. I crossed my arms.

"May nakakatawa ba ro'n?" Masungit kong tanong. Umiling ito at inabot ang mga mata nito upang punasan dahil sa labis na kagalakan.

"Aaminin 'kong patay na patay ako sa'yo mula noon at magpa-hanggang ngayon. Hindi na magbabago 'yon, eh. Pero, hindi pa rin ako makapaniwala na sa bawat araw na lumilipas ay mas gumaganda ka lalo sa paningin ko."

Wala na! Finish na! Tinapos na ni Marcus ang lahat. Siya na talaga ang hari! Grabe, pumunta 'lang ito ng Sri-Lanka para sa business trip nito no'ng nakaraang linggo, ang dami na niyang baon na hugot. Ang mga ngiting kanina ko pa pinipigilan ay hindi na napigilang magsilabasan dahil sa sinabi niya.

"I-Ikaw din naman mas lalo 'kang gumagwapo. Na miss kita." Saad ko sabay ngiti sakanya ng matamis.

Nang aminin 'ko ang saloobin ko ay tinignan niya ako ng seryoso habang punong puno ng mga emosyon ang mga nito. "I missed you too, baby. Ikaw lang ang laman ng isip ko habang nando'n ako."

Hindi ko na napigilan na mapatingin sa ibang direksyon habang kagat-kagat ang labi ko upang maitago ang tuwa sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kailan mo ba ako binigo sa pagmamahal mo sa akin, Marcus?

Akmang magsasalita na sana ako upang tapatan ang sinabi niya nang maunahan ako ni Siena.

"Oh ano? Forever na lang ba tayo maglalandian dito? Aba, Kanina pa kayo hinihintay ng mga gamit sa van. Ambisyosang mga 'to." Reklamo niya habang bitbit nito ang mga ilang pagkain na dala nila inay. Nakasunod sakanya si Xander habang nakasingi 'kay Marcus.

"Oo na po madam. Salamat sa pagpapa alala." Magalang na sabi ko. Napangisi ito bago sumagot.

"Walang anuman, aking alipin." Pang gagaya niya sa sinambit ko sakanya noon, dahilan upang mapasimangot ako. That girl!

Pero kahit gaano man kabaliw ang mga kaibigan ko ay aaminin 'kong mahal na mahal ko sila katulad ng pagmamahal ko sa pamilya 'ko. Sila ang dahilan 'kung bakit nakayanan 'kong labanan ang mga dumating na problema sa amin noon. Kung wala sila sa tabi ko ay paniguradong hindi 'ko maaabot ang ginhawang natatamasa ko ngayon.

Inilibot ko ang paningin ko. Kumpleto kami ngayon. Si inay at si tita na inaayos ang mga gamit na dala namin. Si tito na kandong si Jonas. Sina Xander at Siena na inaayos ang mga pagkain. Sina Landon at Sab na walang ibang ginawa kung hindi ang mag asaran. Sina Trevor at Jhudiele na tahimik na nakaupo. At si Marcus na sinisindian ang mga kandila para sa puntod ni itay.

Hindi naging madali ang mga problemang hinarap namin. Ilang beses na akong muntik sumuko pero dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ay kinaya ko. Nakayanan ko dahil sakanila. Totoo nga ang sermon ng pari sa amin bago ang alis ni Marcus noon papuntang Sri-Lanka 'Ang lahat ng sakit na nararanasan mo ay papalitan ng Panginoon ng walang hanggang pagmamahal at saya basta manampalataya ka lamang sakanya.' Maniwala ka lamang sa pananampalataya mo sakanya at papalitan niya ng tripleng kaginhawaan at kasiyahan ang mga masasakit na nararanasan mo.

Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon