27

24 3 0
                                    





Natapos na ang ulan at tila naging mahid ang katawan ko sa lamig dahil wala akong maramdamang iba kundi ang kirot sa dibdib ko na kahit anong iyak ko ay tila hindi man lang nababawasan ang sakit. Napatingala ako upang tignan ang langit, napakadilim pero maaliwalas dahil siguro ay naibuhos na niya ang lahat ng sama ng loob nito gamit ang ulan. Sana ganoon rin kadali ang lahat, sana sa isang bagsak ko lang ng luha ay matatapos na ang lahat ng ito pero sa toong buhay ay hindi maari dahil hanggat nandiyan ang sakit paniguradong may kakambal itong luha.



Nang umihip ang hangin ay napayakap na lamang ako sa mga tuhod ko at napaduko. Gusto kong takasan ang lahat ng ito pero hindi pwede, hindi maari. Paano ang pamilya ko kung pati ako ay susuko? Nangako ako kay Itay na hinding hindi ko sila pababayaan ano man ang mangyari. 



Hindi ako pwedeng patumbahin sitwasyong ito at nang nakita ko kanina kanina lang. Ano naman ngayon kung nakita kong magkahalikan si Suzanne at Marcus? Wala naman kaming relasyon. Wala akong dapat ikaselos pero bakit ganito? Mas lalong nadaragdagan ang kirot sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang tagpo kanina. Napabuntong hininga na lang ako at pinikit muli ang mga mata ko upang pigilan ang nagbabadyang luha na gustong lumabas muli. Hindi ito ang oras upang maging mahina ako.


Isang tunog ang nagpaangat sa ulo ko upang tignan ang cellphone ko kung sino ang nag text. May hula na ako pero binasa ko pa rin upang makasigurado. Si Siena tinatanong ako kung nasaan ako dahil hinahanap na raw ako ni Inay. Walang lakas akong tumayo at naglakad na papasok sa hospital pero hindi pa man ako nakakahakbang, ay nakita kong mula sa gilid ko ay nakatayo si Marcus kaya naman lakas loob ko siyang tinignan upang ibalita na wala na si Itay.


Nang tuluyan na akong humarap sa kanya ay tila nais kong malunod sa mga mata niyang puno ng emosyon na tila maraming gustong sabihin, pero wala na akong panahon pa upang pagtuonan ng pansin iyon. Tumikhim muna ako dahil tila walang balak magsalita si Marcus. Masyado ata siyang na overwhelmed sa halikan nila ni Suzanne.


"W-Wala na si I-Itay..." Nahihirapan kong sabi dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Itay, kailanman ay hinding hindi ko matatanggap ang pagkamatay niya. Hinding hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sakanya.


Pagkasabi ko nun sakanya ay bakas ang pagkabigla sa mukha niya marahil ay hindi niya inaasahang balitang iyon. Akmang may sasabihin sana si Marcus pero inunahan ko na siya. Hindi ngayon, wala akong panahon na pakinggan ang anumang mga ang sasabihin niya.


"Sige. Mauuna na ako." Tipid kong sabi at tinalikuran na siya habang walang tigil ang pagkirot ng puso ko.




Alam ko sa oras na ito ay malaki na ang magbabago sa pagitan namin ni Marcus, masyadong malalim ang sugat na naiwan dahil sa pangyayaring ito at hindi ko alam kung kailan ito maghihilom.


Pagkapasok ko sa kwarto ay wala na si Itay at sila Inay na lang ang naiwan at inaayos ang mga gamit ni Itay. Nadatnan ko siyang nagtutupi ng mga damit ni Itay at base sa mga mata niya na kakatapos niya lamang umiyak. Nilapitan ko siya upang tulungan. Walang nagsasalita sa amin.

Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon