46 part two

14 0 0
                                    




As usual ay siya ang naghatid sa akin sa SCU. Nang akmang ba-baba na siya upang pagbuksan ako ng pinto ay pinigilan ko siya. I know he loves doing this kind of gestures, he won't be Marcus if he won't do them, but this time I would like to do it for him. I smiled to hime and I kiss his right cheek.

"You don't need to. Kaya ko naman." Saad ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. Napakunot ang kilay ko nang bigla nitong hawakan ang dibdib nito at napapikit. Bigla akong nangamba.

"B-Bakit Marcus? May masakit ba sa'yo?"Agad kong tanong. Nang imulat niya ang mga mata niya ay mabilis nitong kinuha ang kaliwang kamay ko at dinampian ng maliliit na halik.

"I'm okay. Your smile will be the death of me. How do you manage to be beautiful and be the reason why my life has been better?" Tanong nito habang patuloy na hinahaplos ang kamay kong hawak niya.

Dahil sa tanong niya ay natameme ako, Hindi ko naman akalain na gano'n ang epekto ko sakanya. Nang dahil sa hiya at hindi alam ang isasagot ay nagkandabulol-bulol ako sa pagsagot sa kanya.

"Aba'y h-hindi ko a-alam! Siguro dasal at ganda lang sapat na." Pagdadahilan ko. Narinig ko itong natawa sa sagot ko,

"Whatever the reason, I still love you."

I sincerely smiled before responding to his answer, "I love you the most my king."


Buong umaga ay walang Marcus na nangulit sa akin hindi katulad noong mga nakaraan na halos kakahiwalay lang namin ay mangungulit siya sa akin, at magse-send ng mga walang kabuluhang mga bagay pero ngayon ay sobrang tahimik ng messenger at inbox ko. Hanggang sa nakapag-lunch kami ng mga co-teacher's ko ay wala pa rin akong balita mula kay Marcus. Tuloy ay parang napansin ni sir Raymond ang pananahimik ko dahil hanggang ngayong nagpupulong kami ay wala akong naririnig mula kay Marcus. Siguro ay busy iyon at end of the month na rin kaya marami siyang ginagawa sa kumpanya nila.

With Suzanne?

Nang sumagi sa isip ko ang pangalan ni Suzanne ay tila may pangambang sumibol sa puso ko. O baka naman kinakausap na siya ni Marcus tungkol sa relasyon namin, diba maaari naman 'yon?

"Hoy, na estatwa kana riyan? Kinakausap ka ni Ma'am Galang." sir Raymond whispered while we're in the middle of our meeting.

Nasa may faculty room lang kami at nagpupulong para sa National Achievement Test or NAT ng mga estudyante sa SCU. My goodness, nang humarap ako kay ma'am Galang ay halata sa mukha niya ang pagtataka dahil sa pagiging out minded ko. Pasalamat na lang talaga ako at medyo malapit sa akin si sir Raymond upang pagsabihan ako. I cleared my throat before I respond to the question on the board.

"I don't appreciate you spacing out in our meeting ms. Bernardo." Panimula niya sabay ayos ng kanyang salamin bago nagpatuloy muli, "Again, what will be your suggestion for our upcoming NAT in order for our students to achieve the passing grade or higher than that?"

Bago sumagot sa tanong niya ay umayos ako ng upo. Nakakahiya!

Dahil sa kakaisip ng mga bagay na wala namang kasigaraduhan tungkol kay Marcus at Suzanne ay naapektuhan pati ang trabaho ko. I sighed.

"I think it's much better if we will divide our students lesser than the usual count for each rooms. In that way we can avoid the crowdedness in order for our student to efficiently focus on the exam."

Nang sabihin ko iyon ay nakita kong napatango ang mga kasama 'kong teachers at si sir Raymond naman ay nag thumb ups sa akin ng patago. Napangiti ako dahil sa kakulitan niya.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now