44

14 0 0
                                    



Kanina habang nagkakasiyahan ang mga co-teachers ko sa RMES ay hindi mawala-wala si isip ko ang mga katagang binitawan ni Marcus noong lumabas kami. Hanggang ngayon ay para itong sirang plakang paulit-ulit sa isip ko. Dahil sa wala akong maitugon sa sinabi niya ay nagawa ko na naman ang madalas kong gawin sa tuwing hindi ko alam ang isasagot ko sa damdamin niya iyon ay ang tumakbo... tumakbo palayo sa kanya... sa nararamdaman niya... sa pag ibig niya.

Mabuti na lang at binisita ako ng mga dati kong co-teachers na kalaunan ay naging kaibigan ko na rin, at nag-kayayahan na mag KTV pagkatapos naming kumain sa isang restaurant sa mall. Ang sabi nila ay nagkaroon sila ng regional meeting na agad din natapos ng maaga, kaya naman agad nila akong tinext. Kinuha kong pagkakataon iyon upang kahit papaano ay makapag isip-isip ako kung ano ang tamang gagawin kay Marcus.

Aaminin kong natamaan ako roon sa huli niyang sinabi na 'Iyong ngang selos na nararamdaman mo eh, hindi mo mapigilan. Pagmamahal ko pa kaya sayo?'. Nakakahiya dahil siya pa mismo ang nagpa-realize sa akin na may kaunting selos akong nararamdaman dahil kay Suzanne. Iyon marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumakbo na naman palayo kay Marcus. Lagi ko na lang ba tatakbuhan ang katotohanan?

Pagkababa sa jeep ay napagdesisyunan ko na lang na lakarin pauwi amh condo ni Sab dahil hindi naman ito kalayuan. At para na rin bumaba ang alak at ang mga nakain ko kanina. Hindi ilang beses sumagi sa isip ko kanina ang mga posibilidad na pwedeng mangyari sa amin ni Marcus kung hindi lang naudlot ang relasyon namin. Maraming what ifs na dumaan sa isip ko at panghihinayang. What if hindi nangyari ang trahedya limang taon na ang nakakaraan? Sana ay kumpleto pa kami ngayon. Sana ay kami pa ni Marcus at sana ay masaya kami ngayon kung wala lang Suzanne na humaharang.

Maraming sana pa ang pwedeng mangyari pero may parte rin sa akin na nagpapasalamat dahil may dumaan na isang Suzanne, dahil tila naging isang sampal siya sa akin upang imulat ako sa reyalidad na ang laki laki ng agwat namin sa buhay ni Marcus.

Nakakatawa dahil no'ng magkaibigan lang kami ni Marcus ay hindi sumagi sa isip ko ang ganitong bagay, dahil kailanman ay hindi niya ipinadama sa akin na magkaiba kami ng mundong inaapakan. At isa iyon sa mga maraming dahilan kung bakit ko siya minamahal.

Dahil sa inis na nararamdaman ko ay nasipa ko tuloy iyong lata ng softdrink na naka-kalat sa may labas ng building ni Sab, at napunta iyon sa may bandang lugar kung saan may nakaparadang sasakyan. At nang iniangat ko ang ulo ko upang tignan ang sasakyan ay nanlaki ang mga mata kong halos papikit na dahil sa hilo.

He's here. "It's almost past twelve. Where have you been?" Seryosong tanong niya sa akin habang nakakunot ang perpekto niyang mga kilay. Ano ba ang pangit sa iyo, Marcus?

Dahil sa gulat ay hindi ako nakagalaw at hindi ko man lang maibuka ang bibig ko upang sagutin ang tanong niya. Ano na Irene? Na bobo ka na diyan. Sagot ay!

"Uhm... A-Ano," utal kong saad at hindi alam ang isasagot sa tanong niya.

Teka, hating gabi na ano pa ang ginagawa ng lalaking 'to dito? Dahil sa epekto ng alak at sinabayan pa ng inis dahil sa biglaang pagbisita niya sa akin, dahil baka maaksidente pa siya o ano dahil lang sa pagpunta niya rito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

He looks at me. "Ano, Irene? Saan ka galing?" Anas niya habang papalapit sa akin.

Halata sa mukha niya ang pagod. Kung pagod siya bakit pa siya nagpunta rito!? Hindi na lang siya magpahinga.

"B-Bakit jowa ba kita para malaman mo kung saan ako nagpupunta?" Bulong ko sabay tingin sa ibang direksyon dahil hindi ko makayanan ang bigat at klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin.

Twilight PromisesKde žijí příběhy. Začni objevovat