38

8 0 0
                                    




I started my day by cooking our breakfast. Light breakfast lang ang inihanda ko tulad ng ginisang corned beef at sunny side up egg. Nang matapos ako ay sakto naman ang labas ni Sab sa kwarto niya, kaya naman ipinangkuha ko na rin siya ng plato. Nakangiting sinalubong ko si Sab at nilagyan na ng kaunting kanin ang kanya. She looked at me then she smiled na animoy kinikilig.


"Aww, Irene girl. Huwag mo akong sanayin sa ganito baka hanap hanapin ko." Pabirong saad niya na siya namang lalong nagpangiti sa akin.


"Edi masanay ka." Pabiro ko ring saad na siyang nagpasimangot sa kanya.


"Hindi papayag ang pinsan ko. One of these days ay babawiin ka rin non sa akin." She bluntly said. Huli na nang marealized niya ang nasabi niya kaya naman mabilis akong nginitian nito.


"Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. I'm still asleep."


"Oo na sige, kumain ka na lang diyan. Ano ba iyan, kumakain ka pa ba? Bat ang payat mo na?" Sunod sunod kong tanong.


Pasimpleng ngumiti si Sab dahil sa mga sunod sunod kong tanong. Her beauty is really ethereal.


"There you are!  you're really back. My nagger friend is finally back. Girl, I need this. I have to be like this." Dahil sa sinabi niya ay hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata nito sabay kagat niya sa wheat bread na hawak niya, kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lagyan ng ulam ang plato nito para kahit papaano ay magkalasa naman ang kinakain niya at ang kaninang tubig na iniinom niya ay pinalitan ko ng gatas.


"Kumain ka na." Saad ko at ako na mismo ang nagbigay sa kanya ng kutsara. Mabilis naman niya iyong tinanggap at nginitian ko siya na parang nagsasabi ng walang mali sa ginawa niya.


I know Sab has her own issues too but she acts like everything is fine. If you will see her, she looks like she can solve everything but too bad I'm her friend and I know that there is really something wrong, pero ayaw ko siyang pangunahan kung kailan niya gustong mag share ng problema niya but I will always be here for her. Always.




Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta si Sab na siya na raw ang magliligpit ng mga pinagkainan. Noong una ay hindi ako pumayag dahil nakakahiya, pinatira na niya ako ng libre sa condo niya pagkatapos ay siya pa ang magliligpit ng pinagkainan namin pero bandang huli ay siya pa rin ang naghugas. Ako na lang ang mag gogrocery sa biyernes para sa kusina niya, dahil ayaw niya talagang tanggapin ang share ko sa condo niya.


Nang makapag ready na ako para pumasok sa SCU ay nagpresinta pa si Sab na ihatid niya ako, pero tumanggi na ako dahil halata pa rin sakanya ang puyat kayat sinabi kong ipahinga na lamang niya ito dahil isang sakay lang naman papunta sa SCU.


Mabuti na lang at maaga akong nagising kaya hindi ko na naabutan ang rush hour kaya wala pa mang twenty minutes ay nakarating agad ako, kaya dumeretso na ako sa director's office upang ipaalam na handa na akong magturo dito. Alam ko na ang pasikot sikot rito sa SCU kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin.

Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon