47

9 0 0
                                    



Pagkababa ko ng tricycle ay patakbo kong nilandas ang papasok sa bahay namin. Banayad kong pinagpagan ang nabasa kong damit mula sa ulan. Kanina nang makalabas ako sa mansion ng mga King ay dumeretso ako sa condo ni Sab upang kuhanin ang mga ilang gamit ko, at ang mga nabili kong mga pasalubong ilang araw na ang nakakaraan para kay Ivy. Nang makasigurado kong wala na akong naiwan ay mabilis akong pumunta sa may terminal para kunin ang huling byahe patungo sa probinsya nila inay. Napabuntong hininga na lamang ako nang maisip ko na naman ang tagpo sa mansion nila Marcus kanina.

Hindi ko akalain na kung gaano ako kabilis na umalis noon dito sa bahay para pasukin ang trabahong alok ni tita, ay gano'n din ako kabilis na makakauwi sa amin. Tiyak na latay ang aabutin ko neto kay Inay kapag makikita niya ako bukas. Nang maisip ko si Inay ay awtomatikong lumandas na naman ang mga luhang kanina pa walang tigal sa pagtulo. Halos maubos ko na ang tissue na nasa bag ko kanina sa loob ng bus dahil walang patid ang pag iyak ko. Ipinagpapasalamat ko na lang dahil wala akong nakatabi hanggang sa makababa ako ng terminal.

Nang masigurado 'kong ayos na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko. Tanging ilaw lang sa kusina ang bukas at hindi ko na inabalang buksan pa ang mga ilaw sa sala dahil tiyak na magiging lang si Inay. Pasado alas onse na rin at may pasok pa bukas si Ivy. Nakaramdam ako ng uhaw kaya maingat akong naglakad papunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso.

Akmang uupo ako sa sa upuan sa may lamesa nang nahagip ng mga mata ko ang litrato namin ni Marcus na kuha sa lumang bahay namin sa Pampanga. Naalala ko tuloy 'yong pasurpresa niya sa akin sa mansion nila. Pagak akong napatawa at wala sa sariling naglakad sa direksyon kung saan nakapatong ang litrato namin, at mabilis ko itong tinaob.

Ang dami mong alam na pa-surpresa, Marcus. Pero sa lahat ng pa su-presa mo ay ang tagpo kanina ang mananatiling ta-tatak sa isip at puso ko. Kung papaano mo'ng dinurog muli ang puso at pag-asa ko para sa ating dalawa. Nang maalala ko na naman si Marcus ay nalasahan kong muli ang pait ng katotohanan na kailanman ay hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Talaga nga naman kapag pinaglaruan ka ng tadhana ay hindi ka makakaiwas sa lupit ng sakit nito. Kung kailan okay na ang lahat sa amin. Kung kailan malapit na akong sumaya ulit ng tuluyan ay saka naman mangyayari ito. Marahil noong nakaraang buhay ko ay isa akong rebelde kaya naman ganito na lamang ako parusahan ng tadhana. Wala sa sariling isinubsob ko ang mukha ko sa may lamesa dahil sa naghalo-halong pagod, galit at lungkot na nararamdaman ko.

Kahit na anong pigil ko ay tila naging awtomatiko na ang mga luha ko sa pagtulo lalo na sa tuwing naalala ko si Marcus. Bakit ba sa lahat ng mga lalaking pwede 'kong mahalin ay si Marcus pa ang napili ko?

Oo nga pala bulag ang puso dahil tiyak na titibok ito lamang ito sa taong nakahuli ng kiliti nito. Lintek! Anong klaseng dahilan iyon upang maging batayan kung sino ang pwede at hindi pwedeng mahalin? Hindi ba pwedeng magkaisa na lang ang isip at puso kung sino ang matitipuan nilang ibigin upang hindi na lang magkadaleche-leche ang lahat? Siguro kung hindi ko pinakinggan ang payo ni sir Raymond at ang puso ko ay hindi ako masasaktan ng ganito.

Pero aminin ko man o hindi ay alam ko sa maikling panahon na iyon ay sobra-sobra ang kaligayahan na naipadama sa akin ni Marcus. Kung bibigyan ako ng maraming pagpipilian upang hindi ako masaktan ay alam kong maraming beses ko rin itong tatanggihan upang maging masaya sa piling ni Marcus kahit na sa maikling panahon lamang.

Pero lahat ay may hangganan. Totoo nga ang sinabi ko noon na isang malaking sampal sa akin si Suzane. Si Suzane ang gumising sa akin mula sa isang masarap na panaginip at ibinalik ako nito sa reyalidad. Nang maisip ko na naman ang tagpo kanina sa mansion ay tila pini-pilipit ang puso ko sa sobrang sakit

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now