45

17 0 0
                                    



Medyo napahaba pa ang pagkukwentuhan namin ni sir Raymond at marami rami rin akong nalaman tungkol sakanya. Ang totoo pala ay isa rin itong tagapagmana ng kumpanya nila sa Maynila, pero mas pinili niya ritong tumira dahil may tinatakasan daw ito. Biniro ko pa nga siya na baka nakabuntis siya at siya'y nagtatago lamang, pero ang magaling ay inirapan lang ako at sinabing ang babaeng minahal niya raw ng lubos ang dahilan kung bakit nandito siya Pampanga.

Binalaan pa nga niya ako na 'kung ayaw ko raw matulad sakanya ay kailangan ko na daw kumilos habang maaaga pa. Totoo naman kasi, dahil halata sa mukha niya ang matinding pagsisisi mula sa nakaraan. Hindi na ako masyadong nagtanong tungkol doon dahil nakakahiya at isa pa ay baka masakit pa rin ito para sakanya.

Habang magkausap kami ni sir Raymond ay marami akong napagtanto. Unang una na riyan ay ang pagmamahal ko kay Marcus. Pilit 'kong sinasabi noon sa sarili ko na hindi ko na siya mahal dahil sa nangyari noon, pero ang totoo ay tinago ko lamang ang pagmamahal ko kay Marcus sa kasuluk-sulukan ng puso ko at pinalitan ito ng matinding pagkamuhi dahil naiwan ako... Iniwan ako ng taong nangako sa akin na hindi ako iiwan ano man ang mangyari.

It is more disappointment than hatred and I was blinded by my own anger because of what happened back then, at wala akong alam na pwedeng sisihin kung hindi si Marcus lang.

Pangawala. Kung totoo ngang hindi ko na mahal si Marcus ay bakit patuloy pa rin akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, at nasasaktan sa tuwing nakakapag bitaw ako ng mga hindi magagandang salita? Hindi ba dapat ay wala na akong pakialam pa sa nararamdaman niya kung tunay ngang wala na akong nararamdaman sakanya? Pero hindi, dahil doble ang balik na sakit sa akin sa tuwing nakikita ko ang paghihirap sa mga mata niya, at mas lalong nanaig ang pagmamahal ko dahil sa mga narealized ko ngayon.

Pangatlo. Bakit sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Marcus ay iba ang sayang nangingibabaw sa puso ko? At sa kabila lahat ng nangyari sa amin ni Marcus. Alam ko, sa kaibuturan ng puso ko ay umaasa pa rin ako na sana ay kami pa rin bandang huli. Dahil hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niya sa akin limang taon na ang nakakalipas.

How funny. Parang kanina lang ay hindi ko alam ang gagawin ko kung paano patitigilin si Marcus sa mga gimik niya, pero ngayon ay iniisip ko na kung ano pa kaya ang mga susunod niyang gagawin upang mapansin ko ang pagmamahal niyang muli. Napailing ako sa mga naiisip ko dahil pakiramdam ko ay bumalik ako sa dating Irene na kaunting gawin lang ni Marcus ay todo na ang kilig na mararamdaman ko. Paking tape, totoo ngang kaya kang baliwin ng pag ibig! Pero mas mababaliw ako kung papaano pipigilan ang kasal nila ni Suzanne!

Nang pauwi na kami ay nagpresinta pa si sir Raymond na ihatid ako sa condo ni Sab pero tumanggi ako dahil baka malaking abala na pala ako kay sir Raymond, at sinabi kong may kailangan pa akong daanan sa SCU. Walang pagtutol sa mukha ni sir Raymond ng ipaalam ko sakanya iyon at bagkus ay pinaalalahanan niya akong huwag ko raw kalimutan ang mga dapat 'kong gawin para kay Marcus. Nais ko pa nga sanang sabihin na hindi na niya ako kailangan I-remind, dahil matic na iyon sa akin pagdating kay Marcus, pero bilang mabuting kaibigan ay sinarili ko na lamang iyon dahil baka makatikim na naman ako ng matinding irap mula sakanya.

Habang pabalik sa SCU ay kinuha ko ang cellphone ko upang I-message ang taong hindi maalis alis sa isip ko mula noon hanggang ngayon. Napangiti pa ako dahil sa tinext ko.

To: Marcus

I'm infront of SCU. If you won't be here in 10 minutes. Lagot ka sa akin!

Pagkapindot ng sent ay mabilis 'kong ibinalik sa bag ko ang cellphone at nakangiting tinungo ang daan patungo sa SCU... Patungo sa nag mamay ari ng puso ko... Patungo sa taong mahal ko.

Twilight PromisesWhere stories live. Discover now