41

7 0 0
                                    



 "Mahal na reyna heto na po na iyong tagay." Madamdaming saad ni Siena habang naka yuko pa ito na animoy nagbibigay pugay sa isang bayani habang iniaabot sa akin ang hawak nitong alak. Binitawan ko ang ginagawa kong lessonly upang sakyan ang trip niya at kuhanin ang baso sa kamay nito.


 Iniisahang lagok ko lamang ang ibinigay niya at dahil sa sobrang pait ng laman nito ay hindi ko maiwasang malukot mapapikit pero bago 'ko tuluyang iabot sakanya ang shot glass ay nagsalita muna ako, "maraming salamat aking alipin."


 Nang masabi ko ang nais kong sabihin sakanya ay dumaan sa mukha niya ang pandidiri na labis kong ikinatuwa. Kahit kailan ay pikon talaga itong si Siena. Siya ang mang-aasar pero kapag siya na ang inasar ay labis ang pagkadisguto nito.


 Araw ng biyernes kaya naman nandito kaming tatlo sa Condo ni Sab, parehas ata silang problemado sa buhay kaya naisipan nilang mag inom. Laking gulat ko nga kanina dahil nang saktong gumagawa ako ng mga lessonly ay bigla ang dating nilang dalawang habang may dala dalang mga iba't ibang klase ng alak, ang ininom namin ay isang brand ng tequila, I'm not really into hard alcohols dahil nasanay ako noon pa sa mga ladies drink lang ang iniinom, katulad ng wine, pero sadyang mapilit ang mga ito kaya dinamayan ko na lamang ang gusto nila sa buhay, tutal ay hapon pa naman ang pasahan namin ng lessonly bukas.


 Speaking of bukas, doon ko naalala ang balak kong pakikipag-kita kay Marcus pagkatapos kong magpasa ng lessonly, upang sabihin ang totoong saloobin ko sa pagpapahayag niya sa damdamin niya sa akin. Hindi naman ako manhid sa mga pinapahiwatig niya sa akin nitong mga nakaraan at ayaw ko naman na lalong lumalim ang nararamdaman niya sa akin dahil wala naman siyang mapapala.


 In short, I will reject Marcus feelings. Wow, big word pero seryoso, ayaw ko lamang maging unfair kay Marcus lalo na at kaibigan ko siya at gusto ko lamang na maging open kami sa isa't isa. Pero bakit habang sinasabi ko itong pagkumbinsi sa sarili ko na tama lang ang gagawin kong pag reject kay Marcus ay tila may hapdi sa damdamin ko.


 This is the truth that it is hard to accept. Well, truth hurts. Indeed, it hurts like hell.


 "Hello?! Oy, girl sayo na ulit ang tagay. Chakang 'to tulala na naman. Hulaan ko, Marcus syndrome 'yan ano?" giit ni Siena sa harap ko habang nakapmeywang ito. Totoong hindi ko napansin ang presensya niya dahil sa pag iisip ko kay Marcus. Ngumiti ako ng alanganin at iniisahang lagok ulit ng may mapansin ako.


 "Teka... Kakatapos lang sa akin ng tagay. Sa akin na naman?!" Akusa ko. I saw how Siena's face turned into red.


 "Sisihin mo si gaga at huwag ako. Taga abot lang ako ng tagay." I heard Sab's laugh when Siena confessed sa pandadaya nila sa akin sa tagay. Mga taksil talaga kahit kailan.


 "You're too seryoso kaya diyan. You're working nga pero you're spacing out naman." Kumento ni Sab. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot sa sinabi niya.


 "Sisihin mo 'yung magaling mong pinsan." Saad ko at pinagpatuloy na ang pag gawa ko ng mga lessonly. I heard them ran towards me kaya isinarado ko nang tuluyan ang laptop ko dahil alam 'kong hindi ako tatantanan ng mga ito.

Twilight PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon