3

20 5 0
                                    




"Okay, class. That's all for today. See you again tomorrow."




Mrs. Timbol said at nagsitayuan na ang mga kaklase ko pagkalabas ng teacher namin. Natapos na 'rin sa wakas ang morning class at lunch na. So far, ay maayos naman ang naging klase at inintroduce lang ng mga professors ang mga subjects na pag aaralan namin. Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa bag a y may biglang nagsalita sa tabi ko. 


"Hi!" Masiglang bati ng isa sa mga kaklase kong babae. Ang babae ay may kulot na buhok at mga bilugang mata, maganda 'rin ang kanyang pananamit.


"H-hi?" Alanganing sabi ko. Napansin ko na siya kanina pa lang dahil lingon siya ng lingon sa gawi ko habang nag didiscuss ang mga teachers. Ang akala ko nga kanina ay isa siyang weirdo dahil kapag nahuhuli ko siyang nakatingin ay saka naman siya iiwas ng tingin.


"You're beautiful." Kinikilig pang sabi niya. H-ha?


"I-I-m not! I am Idahlia Renee." Pakilala ko baka kasi akala niya ay pangalan ko ay beautiful lol.


"No silly! I mean you are really beautiful kanina pa ako hindi makapag concentrate sa klase kasi gustong gusto kong makita ang mukha mo." Agad na nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me she's a Lesbian?.


"Hey! No no.. I'm not what you think. I am not lesbian. It's just that nagagandahan lang talaga ako sayo. By the way I am Emery Dizon." Nakangiti niyang sabi at inilihad ang kamay.


Ngumiti muna ako bago nakipag kamay. Wala naman problema sa akin kung isa man siyang lesbian.


"Nice to meet you, Emery."


"Gosh! You're so gorgeous." Ulit niya at doon na ako tuluyang nahiya dahil kanina niya pa ako pinupuri.


"T-thank you." "No worries! I think I need to go na. My boyfriend is waiting for me. Tabi tayo bukas ah?" She suggested and I just smiled. I think I just made a friend today.


Nakangiti akong naglalakad palabas dahil may bago na naman akong kakilala dito sa SCU. Nang saktong pagkalabas ko sa may quadrangle ay siya namang tunog ng cellphone ko kaya mabilis ko itong tinignan kung sino ang nag text.


From: Mahal na hari

San ka? Dito us Cafeteria.


Oo nga pala sa cafeteria kami ngayon kaya naman mabilis akong nag reply.


To: Mahal na ma hari

Okay. Coming.


Habang papunta sa cafeteria ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang buong SCU dahil sa taglay na kalinisan nito, kung sino man ang naka assign sa pag me-maintain ng kalinisan dito ay saludo ako dahil kahit na napakalaki nito ay naaalagaan pa 'rin ito ng maayos. Nang makapasok ako sa loob ng cafeteria ay ang masarap na amoy ang sumalubong sa akin, amoy cinnamon. 


Hindi naman ako nahirapan na makita ang puwesto nila Marcus dahil nasa entrance pa lang ako ay nakita ko na ang pagkaway ni Sab habang naka ngiti. Grabe, hindi ba nauubusan ng energy ang babaeng 'to? Natawa na lang ako sa kakulitan niya, bagay silang magsama ni Rochelle dahil parehong hyper.


"Give me your bag." Ani Marcus nang makalapit ako sa lamesa nila at mabilis ko naman itong binigay sakanya pagkatapos ay ipinanghila na niya ako ng upuan upang makaupo. Pang animan ang upuan at nasa may bandang dulo kami, tabi ng bintana kaya naman kitang kita ko ang tanawin mula sa labas.



Twilight PromisesWhere stories live. Discover now